Chapter 7

8.2K 378 65
                                    

Froi

Nagising ako dahil sa walang tigil na pagtunog ng cellphone ko. Tangina! Anong oras na ba at sino 'tong nang-iistorbo ng tulog ko?

Nakapikit kong kinuha ang cellphone na nakapatong sa bedside table at sinagot ang tawag.

"Hello? Bakit ang aga mong mambulabog, ha?" sagot ko sa tawag.

["Kuya Froi, may pera ka pa ba? Natanggal kasi si Ernie sa trabaho at wala akong pambili ng gatas ng anak ko."]

Ang bunso kong kapatid na si Alyssa pala ang tumawag at katulad ng dati ay naaalala lang niya ako kapag humihingi siya ng pera. Bakit natanggal na sa construction ang asawa niyang batugan? May ginawa na naman sigurong kalokohan katulad ng dati.

Nawala ang antok ko dahil sa pang-iistorbo ng kapatid ko. Bumangon ako sa kama at sumandal sa headboard.

Walang hiyang buhay 'to! Hindi ibig sabihin na medyo malaki ang kinikita ko sa banda ay aabusuhin na nila ako.

"Kakahingi mo lang ng pera nung nakaraang linggo, ah? Anong akala n'yo sa akin, nagtatae ng pera para hingan n'yo ng hingan?" Inis kong sabi at sinuklay ang magulo kong buhok.

["Eh kasi kuya, ikaw lang naman ang pwede kong asahan. Wala na akong mapapala kay Ernie dahil puro inom at sugal ang ginagawa niya. Wala na akong panggatas sa anak ko."] Naglungkot-lungkutang sabi ni Alyssa.

"At ako ba ang asawa mo para akuin ang responsibilidad niyang anak mo? Sino ba 'tong nagpabuntis ng maaga kahit pinapaaral pa ni Tita Dolores?" pang-iinsulto ko.

["Ang yabang mo! Hindi porke sumisikat 'yang banda n'yo ay nagmamayabang ka na. Kung hindi lang naman dahil kina Kuya Sergio at Kuya Riosh ay hindi ka mabibigyan ng atensyon. Gwapo ka nga pero wala ka namang dating sa fans!"] Resbak niya na mas nagpainis sa akin.

"Huwag mo nga akong kinukumpara sa kanila!"

Sinisira ni Alyssa ang araw ko bwisit!

["Sige na, Kuya Froi... kahit 500 pesos lang at isend mo na lang sa Gcash ko. Kawawa naman 'yong pamangkin mo dahil wala na siyang madede."] At ginamit na naman nito ang pagpapaawa para lang bigyan ko siya ng pera.

Ganito ang role ko sa pamilya namin, ang hingan ako ng pera. Kapag may pera ang mga magulang at kapatid ko na galing sa akin ay hindi na nila ako maaalala, kakausapin lang nila ako kapag naubos na ang perang binigay ko. Ako naman na kahit papaano ay naaawa kahit hindi sila dapat kaaawan ay nagbibigay na lang kung mayroon ako.

Galing ako sa mahirap na pamilya at sa squatters area lang nakatira. Pareho ring nakakulong ang mga magulang ko dahil sa pagbebenta ng drugs at pagpupuslit ng mga ilegal na armas. May dalawa akong kapatid na babae at isang kapatid na lalake at lahat sila ay may pamilya na. Dahil makakapal ang mukha nila ay sa akin din sila humihingi ng tulong pinansyal.

Ako lang naman ang malayo ang mararating sa buhay dahil gwapo ako at magaling kumanta. High school lang ang natapos ko pero maswerte ako at natulungan ako ni Iall para magkaroon ng trabaho at malayo sa squatters area kung saan ako lumaki. Hinding-hindi na ako babalik sa magulo, mabaho, masikip, at maingay na lugar na iyon.

Sa huli ay hindi ko rin natiis si Alyssa at sinabing isesend ko na lang sa Gcash nito ang 500 pesos na hinihingi niya. Gusto pa niyang padagdagan pero hindi ako pumayag dahil masyado na siyang abusado. Nakakainis talaga si Ernie at pinapabayaan lang ang mag-ina niya!

That One ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon