Chapter 3

9.9K 439 108
                                    

Riosh

When I saw Froi's t-shirt, my brow furrowed. Alam kong hindi sa kanya ang t-shirt na suot niya dahil kay Sergio iyon at ako ang kasama nito na bumili ng bagong t-shirt niya last week sa mall.

"Froi, bakit mo suot 'yang bagong t-shirt ni Sergio?" tanong ko kay Froi.

Ngumiti siya at pabagsak na umupo sa sofa. "Kay Sergio ba 'to? Nakita ko lang na nakalagay sa sofa. Ayos lang naman siguro na suotin ko 'to. Mukhang mamahalin at maganda, e." he said.

Nagkatinginan kami ng mga kaibigan namin. Si Iall ay kaagad umiwas ng tingin at halatang naiinis na kay Froi habang si Kyron naman ay nagkibit-balikat na lang at tumayo sa kinauupuan at saka nagtungo sa kusina kung nasaan sina Sergio at Alliah na nagluluto ng lunch namin.

Iall is our group's good boy. That One Thing is the name of our band, and he is the reason for our band's completion. Siya ang nagpa-audition sa amin at kaming apat ang napili niya para buohin ang bandang gusto niya. He loves music and is devoted to it; he is also the best composer and mentor to us.

Matagal na siyang nagtitimpi kay Froi pero iniintindi niya na lang ito. Froi is the reckless and brute, but he is talented. Hindi rin siya mapakawalan ni Iall sa banda dahil bukod kay Sergio ay si Froi ang may pinakamagandang vocals sa aming lima.

"Pero hindi pa rin maganda na magsuot ka ng damit na hindi naman sa'yo, Froi. Kasama ko pa si Sergio na bumili ng t-shirt na 'yan last week." I said.

Froi looked at me with his irritated face at sumandal sa sofa. "Ayos lang naman kay Sergio na suotin ko 'to. Ano bang big deal sa pagsusuot ng damit ng kaibigan ko, huh?"

I resisted the urge to punch him in the face. He didn't get my point. Ganito nga yata talaga kapag pinalaki sa hindi maayos na pamilya. It's so difficult to deal with his attitude. Idagdag pa ang mga sinabi niya kahapon kay Alliah. I'm glad na nagsorry siya sa babae ng marealized ang mga mali niyang nasabi.

I sighed at hindi na nagsalita. Bumalik na rin galing sa kusina sina Alliah at Sergio kasama si Kyron at dala-dala nila ang mga niluto nilang ulam. It smells good, and I'm sure these foods are delicious based on their appearance.

"Sorry at medyo natagalan kami," Alliah said as she placed the other food on the table.

"Wow! Mukha ngang masarap 'tong mga niluto n'yo, ah?" excited na sabi ni Froi at tinignan isa-isa ang ibang mga pagkain na nilalagay nina Sergio at Kyron sa lamesa.

Sandaling natigilan si Sergio nang mapansin ang bagong t-shirt niyang suot ni Froi but after that ay hindi na niya ito pinagtuonan ng pansin at tumabi na lang kay Kyron.

"Sinigurado namin ni Sergio na masarap ang mga niluto namin," nahihiyang sabi ni Alliah kay Froi.

Froi grins and begins to fill his empty plate with foods. Lutong adobong manok iyon at kanin.

Tumingin si Alliah sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Sergio at akmang uupo na siya doon nang magsalita si Froi.

"Dito ka na lang sa tabi ko, Alliah. Gusto ko lang na makilala ka pa dahil hindi maganda ang mga nasabi ko sa'yo kahapon."

Alliah bit her lower lip and immediately nodded. Nagpunta siya sa kinaroroonan ni Froi at umupo sa tabi nito. Sergio is quiet while putting food on his plate, but I can tell he's thinking something.

That One ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon