Chapter 10

8.3K 335 38
                                    

Alliah

"Ayos ka lang ba, Alliah?"

Nawala lang ako mula sa pagkakatulala ko sa pagkain nang magsalita si George.

"A-ayos lang ako." sagot ko at ituloy ang pagkain ko. Lunch break namin at katulad ng dati ay nakabuntot na naman siya sa akin.

"Hmm... 'yong lalakeng kulot na mahaba ang buhok at mukhang foreigner, member 'yon ng sumisikat na banda, 'di ba?"

Natigilan ako.

"Paano mo siya nakilala?"

Sumandal si George sa kitchen counter at humalukipkip. "May napanood akong video nila sa Facebook. Namukhaan ko siya at naalala kong siya 'yong lalakeng sumundo sa'yo last week dito sa restaurant. Paano mo siya nakilala? Childhood friend mo? Schoolmate?" nang-uusisa niyang tanong.

Napapikit ako at pinigilang huwag siyang masabunutan.

Dahil sa alitan nila Sergio, Froi, at Kyron ay dalawang araw nang hindi umuuwi sa apartment si Froi. Nakaapekto siguro sa kanya ang suntok at mga sinabi ni Kyron.

Ayokong mangialam sa problema nila na obvious namang alam ko ang rason kaya nananahimik na lang ako pero hindi ko rin mapigilang mag-aalala sa kanila dahil mukhang malalim na talaga ang pinagsamahan nila simula ng mabuo ang kanilang banda.

"Kaibigan ko siya." Bored kong sagot.

Natawa si George. "Kaibigan? Baka gano'n nga ang tingin mo sa kanya pero sa nakita kong reaksyon niya ng makita niya tayong magkasama? Para siyang galit at nagselos sa'kin."

Biglang kumalabog ang puso ko. Totoo kaya na nagseselos si Riosh kay George? Pero bakit? May nararamdaman ba siya para sa akin?

Pero imposible iyon! Wala pa ngang isang buwan na magkakilala kami tapos magugustuhan na niya ako? Ayokong mag-assume kung walang kasiguraduhan.

"Hindi naman siguro." sabi ko.

Nagkibit-balikat si George at ngumiti. "May gagawin ka ba sa Sabado? Yayayain sana kitang-"

"May gusto ka ba sa akin, George?" Hindi ko na mapigilang tanong.

Napahinto siya pagkaraan ay napahawak sa kaniyang braso at nahihiyang tumango.

"Matagal na kitang gusto, Alliah. Ang akala ko nga ay alam mo na 'yon dahil halata namang interesado ako sa'yo. Gusto sana kitang yayain na magdate, 'yon ay kung gusto mo lang." nag-aalangan niyang sabi.

Mabait si George, gwapo at matangkad. Friendly siya sa lahat ng empleyado sa restaurant, ang hindi ko lang gusto sa kanya ay ang pagbuntot at pangungulit niya sa akin. First day of work ko pa lang ay nagpaparamdam na siya. Mag-iisang taon na rin siyang empleyado katulad ko.

Wala akong masyadong alam sa background niya bukod sa 22 years old na siya, mahirap ang pamumuhay katulad ko, at siya ang breadwinner sa pamilya nila katulad nina Debbie at Gidalyn.

"George, I'm sorry pero wala talaga akong nararamdaman para sa'yo. Makakahanap ka pa ng ibang babae na magugustuhan mo." malungkot kong sabi.

Lumungkot ang ekspresyon ng mukha niya at tumango. "I see, pero gusto lang sana kitang yayain kahit friendly date lang. Malinis ang intensyon ko sa'yo, Alliah dahil gusto talaga kita."

That One ThingTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang