Chapter 37

6.9K 283 128
                                    

Alliah

"What does this mean, Murphy? You knew Alliah and love her?" umiiyak na sabi ni Katy nang lumapit siya sa amin ni Murphy. Sumunod sa likuran niya sina Guil at Jack.

Natigilan sa pag-iyak si Murphy at dahan-dahang tumango. "Yes, Katy, Alliah is the one I'm referring to, the girl I've loved since we were young." pag-amin niya.

Napasinghap ako at nakagat ang ibabang labi ko. Ngayong inamin na ni Murphy ang tungkol sa aming dalawa ay hindi ko na alam kung magiging maayos pa ang pakikisama sa akin ni Katy.

Umiling si Katy at pilit itinatayo si Murphy sa pagkakaluhod nito sa harapan ko ngunit ayaw pa rin akong bitawan.

"She didn't love you, Murphy! Stop chasing her, you don't deserve her!" nasasaktang saad ni Katy.

"No! I love Alliah, and I don't care if she already has a boyfriend; I will pursue her until she loves me back!" pagmamatigas ni Murphy.

Nagulat ako sa sinabi niya, ganoon rin sina Guil at Jack.

Napailing si Guil at lumapit sa akin. Hinila niya ang braso ko para mabitawan ako ni Murphy.

"Dude, put down your desire to get Alliah; you already have a girlfriend, and can't you see? She's crying because she loves you." sabi ni Guil.

Sumama ang tingin sa kanya ni Murphy at tumayo ito mula sa pagkakaluhod sa sahig. "Wala kang pakialam sa nararamdaman ko! Mahal ko si Alliah at ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa kanya." galit nitong saad.

Tumawa naman ng mahina si Guil. "Mahal mo si Alliah pero hindi ka niya mahal at may sinasaktan kang babae. Magpakalalake ka nga!"

"Ano'ng sabi mo?!" Nagpantig ang tainga ni Murphy sa sinabi ni Guil at akmang susuntukin na ito nang napigilan siya ni Katy.

"Stop it, Murphy! Can't you hear it? Alliah doesn't love you, so don't pin your hopes on her!" sigaw ni Katy at nang tumingin siya sa akin ay nakita ko ang galit at selos sa kanyang mga mata.

Ito na nga ba ang sinasabi ko, mabait si Katy pero ngayong nalaman niya ang tunay na nararamdaman ni Murphy sa akin ay hindi na magiging katulad ng dati ang pagtrato niya sa akin.

Nakikita ko ang labis na pagmamahal niya kay Murphy at ako ang dahilan kung bakit hindi siya nito magawang mahalin pabalik.

Ginamit lang siya para makalimot sa akin.

"And don't pin your hopes on a guy who doesn't love you," mariing sabi naman ni Jack kay Katy na sumama rin ang tingin sa kanya.

"Umalis na tayo, Alliah. Kapag nandito pa tayo ay mas lalong masisira ang birthday celebration ni Katy. Murphy already ruined it." sabi ni Guil.

Tumango ako dahil iyon ang mas makabubuti. Birthday ni Katy pero sinira lang ito ni Murphy na inaming mahal pa rin ako.

Ang akala ko ay tuluyan na siyang nakamove-on sa akin pero hindi pa pala.

Nagsimula na kaming maglakad papaalis nina Guil at Jack pero humarang sa harapan namin si Murphy.

"Alliah, I beg you... please choose me instead of that band member; I will love you more than he does; I can provide everything you need and you-"

That One ThingWhere stories live. Discover now