Chapter 20

6.7K 268 75
                                    

Alliah

Halos lahat yata ng tao na nandito sa company party ng Dad ni Sergio ay nakatingin sa table namin. Kanina pa nga ako nahihiya at gusto ng umuwi pero ayoko namang mapahiya si Sergio at iwanan siya nang mag-isa dahil ako ang escort niya ngayong araw.

Kahit para na din akong papatayin sa tingin ng ex-girlfriend niyang si Giorgia na nasa kabilang table lang kasama ang mga magulang nito at kapatid na lalake na mukhang kaedad ko ay hindi ko na lang siya inintindi.

Bakit ba ang sama makatingin ng babaeng ito e, ex lang naman siya at ako na ang nililigawan ni Sergio?

Tinignan ko si Sergio na nakikinig lang sa speech ni Mr. Sergio Sr. na nasa stage kasama ang iba pa nitong business partners. Katulad ko ay mukha rin siyang nababagot na sa party na ito.

"Hey, Kuya Sergio!"

Pareho kaming tumingin sa kapatid na lalake ni Giorgia na lumapit sa amin at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Sergio. Sumulyap naman ako kay Giorgia at nakita kong hinila siya patayo ng Mom niya mula sa table nila at lumapit sa kabila rin'g table na may isang grupo ng pamilya. Gusto niya yata kaming lapitan pero hindi siya makawala sa Mom niya.

"Guil," ani Sergio sa lalake.

Ngumiti ang lalake at bigla itong naglahad ng kamay sa akin. "You must be Kuya Sergio's new girl? My name is Guilherme Hussain, his childhood friend." Pakilala nito.

Tumango ako at tinanggap ang kamay niya kahit nag-aalangan pa ako. Tila pamilyar siya pero hindi ko lang matandaan kung saan o kailan ko siya nakita.

"Ako nga pala si Alliah." pagpapakilala ko. Binawi ko rin ang kamay ko nang mapansin ang matagal niyang pagkakahawak rito. Ngumiti lang si Guil pagkatapos at sumandal sa upuan.

"Ang boring talagang umattend sa mga ganitong klaseng event. I'd rather spend my time drinking and partying at the bar than attending this company party." bagot niyang sabi.

Mukha nga siyang wild partygoer dahil sa istilo ng galaw at pananamit niya. Gwapo at kahawig ng kapatid niyang si Giorgia.

"Then why did you come here?" tanong ni Sergio.

Natawa si Guil at kumuha ng drinks sa waiter na dumaan. Ininom niya iyon bago sagutin si Sergio. "Kapag hindi raw ako sumama dito sa company party ng Dad mo ay grounded ako ng ilang buwan. You know how much our parents enjoy being social butterflies and flexing their sons and daughters." nagkibit-balikat siya.

Tumango lang si Sergio at biglang hinawakan ang kamay ko. "Gusto mo na bang umuwi?" mahina niyang tanong.

Gusto ko na talagang umuwi sa apartment pero nakakahiya naman sa pamilya niya kung aalis kami kaagad lalo na't company party ito ng Dad niya tapos kinakabahan rin ako sa pag-uwi namin dahil sa nangyari kay Froi. Sigurado akong maging pati sila Riosh, Iall, at Kyron ay galit rin sa akin dahil sumama ako kay Sergio.

"Tapusin na lang natin 'tong party. Minsan lang naman 'to." nakangiti kong sabi.

"If you say so," ani Sergio na inayos ang ilang strands ng buhok ko at inipit ito sa tenga ko. Namula ako sa ginawa niya at hindi na napansin na nakatingin nga pala sa amin si Guil.

"You two are so sweet, and this is the first time I've seen Kuya Sergio make a public display of affection to a girl; he never did that to Ate Giorgia." sabi ni Guil na nakangiti ng malaki.

That One ThingDonde viven las historias. Descúbrelo ahora