Epilogue

10.1K 327 87
                                    

Alliah

Simula nang dumating ako sa buhay ng That One Thing ay doon nag-umpisang mag-iba ang takbo ng buhay ko. Pinalayas ako ng mga kapatid ko sa bahay namin dahil sa mali nilang akala sa amin ni Murphy, at dito ay makikilala ko si Iall at nag-offer siyang patirahan ako sa apartment niya kasama ang apat niyang mga kaibigan o kabanda.

Nakilala ko bilang isang tahimik, malihim, at misteryosong lalake si Sergio. Siya ang naging first love ko at ang unang nanligaw sa akin. Nakilala ko rin ang pamilya niya na mabait ang pakikitungo sa akin. Talented siyang lalake at reversed kung tawagin. Ramdam ko rin ang concern at pagmamahal nito sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Si Riosh na may kulay berdeng mga mata at may kahabaan ang buhok ay hindi ko aakalaing mamahalin ko rin. Hindi ako nagsisisi na sa kanya ko ibinigay ang virginity ko dahil ramdam ko kung gaano niya ako kamahal. Hindi niya ako kailanman pinakitunguhan ng masama at bawat desisyon ko ay nirerespeto at iginagalang niya.

Sa una ay hindi naging maganda ang impression ko kay Froi dahil masyado akong nayayabangan sa kanya. May inggit at selos siyang nararamdaman kay Sergio na isa sa pinakamatalik niyang kaibigan. Naiintindihan ko kung bakit sa kanilang limang magkakaibigan ay siya ang may kakaibang ugali, pero sa nakikita ko ay kahit na hindi perpekto ang pamilya niya ay mahal pa rin niya ang mga ito at tinutulungan sa pinansyal na pangangailangan. Hindi ko akalain na mamahalin ko siya. Bumawi siya sa lahat ng naging kasalanan niya at kay Sergio kaya tuluyang nahulog ang loob ko sa kanya.

Si Iall ang pinakamatured at kalmado sa magkakaibigan. Alam niya kung ano ang tama sa mali at isa pa ay kahit nagkagusto siya sa akin ay hindi niya pinilit ang sarili niya at naghintay lang ng tamang pagkakataon para maipakita ang kanyang pagmamahal. Nahulog ang loob ko kay Iall dahil sa pagiging concern, maalalahanin at respeto na ipinapakita niya para sa akin.

Para naman kay Kyron na hindi nahiyang umamin ng pagmamahal sa akin ay naghintay lang rin siya ng tamang pagkakataon para mahalin ko, at nagtagumpay siya dahil minahal ko siya sa kabutihan ng loob at respeto na ipinaramdam niya kahit alam niyang gusto rin ako ng apat niyang mga kaibigan.

Masaya ang buhay ko kasama ang limang magkakaibigan at dalawang taon na rin ang nakalilipas nang mangyari ang mga pagsubok at problema na dumating sa aming anim.

Nasa ilalim ako ng polyamory relationship at hinding-hindi ko pinagsisisihan na nakipagrelasyon ako sa kanila. Walang inggitan o sama ng loob ang magkakaibigan sa tuwing nagkakaroon sila ng "solo time" sa akin. Tinanggap nila ang ganitong klaseng relasyon at kahit na iba-iba man ang kanilang personalidad ay mas pinili nilang makasama ako para lang sa pagmamahal at atensyon ko.

Mahal na mahal ko sila at wala na akong ibang mahihiling pa kundi ang maging panghabangbuhay ang relasyon ko sa That One Thing. Nagsasama na rin kaming anim sa iisang bubong habang nag-aaral pa ako ng kolehiyo, at pinagawa nila ito para sa amin.

Marami mang manghuhusga sa polyamorous set-up na mayroon kami ay hindi na namin inaalala ang sasabihin ng iba dahil ang mahalaga ay masaya at kontento kaming mahalin at pahalagahan ang bawat isa.

Nakilala ko na ang anak ni Froi na si Grey dalawang taon ang nakalipas. Hindi maitatanggi na anak niya ang bata dahil kamukhang-kamukha niya ito. Sa hindi rin inaasahang pangyayari ay namatay ang ina ni Grey na si Mela at ang asawa nito dahil sa nangyaring buy bust operation ng mga awtoridad. Involve sa drugs si Mela at ang asawa nito na ilegal na nagpupuslit at nagbebenta ng droga sa black market. Napatay sila ng mga pulis dahil nanlaban sila sa nangyaring buy bust operation.

That One ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon