Chapter 5

9.4K 402 67
                                    

Alliah

Dumating ang lunes at gaya nga ng ipinangako ng magkakaibigan ay ihahatid nila ako sa restaurant kung saan ako nagtatrabaho.

Ramdam ko ang tensyon sa paligid ng dahil kina Iall at Froi. Nahahalata na rin iyon nila Sergio, Riosh, at Kyron na walang ideya sa pagtatalo ng dalawa kagabi.

"Ano bang nangyari sa inyo, Iall at Froi? May nakaligtaan ba kami at mukhang hindi maganda ang mood n'yo?" tanong ni Kyron na nasa tabi ko.

"Bakit hindi n'yo tanungin si Iall?" sarkastikong sabi ni Froi at nirolyo ang kaniyang mga mata.

Tumingin ang magkakaibigan kay Iall na huminga ng malalim habang nagmamaneho. Katabi nito sa front seat si Sergio na kunot-noong nakatingin sa kanya.

"Last night, I said something bad about Froi. I'm sorry sa mga nasabi ko sa'yo, Froi." malungkot na saad ni Iall.

"Ano bang pinagtalunan n'yo kagabi at nag-away kayo? I can't believe you two were fighting, and this is the first time." sabi ni Riosh na nakasandal sa upuan ng kotse at may suot na sunglasses.

No doubt kung bakit siya ang pinakasikat na miyembro sa banda nila. Attractive at cool siyang tignan. Typical heartthrob ng mga kababaihan.

Sasabihin kaya ni Iall na nahuli niyang akma akong hahalikan ni Froi at nagalit siya dahil do'n? Sobra kong naapreciate ang pagiging concern niya sa akin pero ayoko namang dahil lang doon ay maging malala ang away nila at masira ang pagkakaibigan nila.

"It doesn't matter. May kaunti lang kaming hindi pagkakaintindihan ni Froi." sagot ni Iall at sumulyap sa akin.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi niya binanggit ang nangyari. Iniiwasan ko nang mag-away ulit sila ni Froi.

"I'm sorry din, Iall. Sa susunod ay 'wag mo na lang akong gagalitin." biglang sinabi ni Froi na sumulyap rin sa akin.

Tumango si Iall at ngumiti kay Froi. Mabuti at nagkaayos na sila. Mabait naman pala itong si Froi at tumatanggap ng kamalian kahit mukhang si Iall pa rin ang mali sa apology niya pero ayos na din iyon kaysa naman na hindi sila magbati.

"That's great! Bati na kayo," Nakangiting sabi ni Kyron.

Kaagad akong umiwas ng tingin kay Froi dahil sa intense niyang mga titig at itinuro na lang kay Iall ang daan papunta sa pinagtatrabauhan ko.

Bago sila pupunta sa studio nila ay ihahatid raw muna nila ako sa restaurant. Malaking tulong sa akin dahil makakatipid ako sa pamasahe.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa restaurant. Tinanggal ko na ang suot kong seatbelt at medyo naiilang dahil nakatingin sa akin si Kyron.

"Anong oras ang out mo?" Tanong niya.

"Ah, 7:00 pm." sagot ko.

"Hindi ka namin masusundo mamaya dahil 12:00 am pa matatapos ang gig namin. May pamasahe ka ba pang commute mo mamaya?"

Tumango ako. "Meron pa naman. Sasakay na lang ako ng jeep-"

May dinukot si Kyron sa bulsa ng pantalon niya at wallet iyon. Kumuha siya ng isang libo rito at binigay sa akin.

"Take that. Magtaxi ka na lang pauwi." sabi niya at ngumiti.

That One ThingWhere stories live. Discover now