Chapter 25

6.1K 282 69
                                    

Alliah

Imbes na magalit ay ngumiti lang si Froi at sinapo ang panga niyang nasuntok ni Riosh. Tumayo siya ng dahan-dahan sa pagkakabagsak sa sahig at pilit na hindi iniinda ang tumamang katawan. Pumagitna naman sa kanilang dalawa si Kuya Silas at masama ang tingin nito kay Riosh.

"Ano bang problema mo? Ako ang nagdesisyon na iuwi si Alliah sa bahay at walang kinaliman si Froi do'n." seryoso niyang ani.

Napahilamos sa mukha si Riosh at huminga ng malalim. "And he wants Alliah to leave this apartment because he envies Sergio for courting her." sabi niya at sandaling tinignan si Sergio.

Sinundo ako ni Kuya Silas sa restaurant at nagkaroon kami ng argumento. Pinipilit niya akong umalis sa apartment at kahit anong pagmamatigas ang gawin ko na hindi ako sasama sa kanya ay hindi niya ako pinapakinggan.

Pagod na pagod na akong sundin ang gusto nila nina Kuya Miles at Kuya Luca. Ngayon ko lang sila sinuway at proud ako sa sarili ko na kaya ko nang magdesisyon at tumayo sa sarili kong mga paa na wala ang pagmamando nila.

Mahal ko pa rin sila bilang mga kapatid ko pero sana'y hindi iyong ganito. Noong nasa poder pa nila ako ay halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Lahat ng gusto nila ay sinunod ko kaya nga sa edad kong 18 ay hindi ako kailanman nagkaroon ng manliligaw o boyfriend dahil takot ang mga lalake sa mga kapatid ko lalo na kay Kuya Silas na pinakaclose ko sa aming magkakapatid.

May sarili akong desisyon, pag-iisip at damdamin. Hinding-hindi ko naman sasayangin ang pag-aaral ko at balak ko silang bigyan ng magandang buhay kapag nakapagtapos ako ng pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho pero... paano ko magagawa 'yon kung ngayon pa lang ay hawak na nila ako sa leeg? Wala namang masama kung maging overprotective sila pero sobra na kasi at hindi na rin tama. At nang dahil doon ay pinalayas nila ako sa bahay.

"Ano'ng sabi mo, Riosh? Nagseselos ako kay Sergio dahil kay Alliah? Hindi ako gano'n kababaw para pagselosan ang katulad niya!" Tumawa si Froi at umiling.

Hindi siya ganoon kababaw para hindi magselos kay Sergio? Eh ano iyong ginawa niya nung nalaman niyang nililigawan ako ni Sergio? Hindi ba't siya ang naunang manuntok at magalit?

Tumingin sa akin si Kuya Silas at tinaasan ako ng kilay. "Iimpake mo na ang mga gamit mo, uuwi na tayo sa bahay."

Umiling ako. "Hindi ako uuwi." Matigas kong sabi.

"Ayaw mong umuwi? Baka gusto mong umabot pa tayo sa mga pulis, Alliah? Ayaw mo naman sigurong mangyari 'yon sa mga lalakeng 'to, hindi ba?" Banta niya na ikinatakot ko.

Nagsalita si Iall. "Silas, if Alliah doesn't want to leave my apartment yet, let her stay. Huwag mo siyang pigilan sa gusto niya. Matanda na siya at alam niyang-"

"Kapatid ko siya at guardian niya ako. Ginagawa ko kung ano ang mas makakabuti sa kanya. Kung tanggap na kayo nina Miles at Luca, pwes ako ay hindi." malamig na sabi ni Kuya Silas at umakyat na ito papunta sa kwarto ko. Sinundan naman siya ni Froi na may nakapaskil na ngiti sa labi.

Nilapitan ako ni Sergio at pinunasan ang mga luha ko. "I think you should go home with your brother, Alliah; he's your family, and maybe he misses you around their house; I'll still pursue you, and this isn't the end of us."

"P-pero ayoko pang umuwi..." naiiyak kong sabi.

"You should follow your brother for a while. Natatakot akong tuluyan ka niyang ilayo sa'kin at hindi na kita makikita." pagsusumano niya.

That One ThingWhere stories live. Discover now