Chapter 19

6.1K 312 66
                                    

Alliah

"Wait...? am I hearing right, Sergio? Nililigawan mo na si Alliah?" hindi makapaniwalang tanong ni Iall.

Walang pag-aalinlangang tumango si Sergio. Seryoso ang mukha at hindi mababakasan ng kahit anong emosyon.

Tumingin sa akin ang apat na magkakaibigan. Kinabahan ako dahil mukhang hindi nila nagustuhan ang sinabi ni Sergio lalo na si Froi na sobrang sama ng tingin.

Alam ko naman kung bakit ganyan siya makatingin, dahil una siyang nagtapat ng nararamdaman niya pero ni-reject ko siya dahil wala talaga akong nararamdaman para sa kanya at idinahilan kong ayaw akong magkaboyfriend ng mga kapatid ko tapos ngayon ay bigla na lang akong pumayag na magpaligaw kay Sergio.

Kaya kung galit man si Froi ay naiintindihan ko pero hindi ko isusuko ang nararamdaman ko para kay Sergio. Manghihinayang ako kung hindi ko bibigyan ng pagkakataon ang sarili ko sa taong gusto ko na unti-unti ko na rin'g minamahal.

Tumawa bigla ng sarkastiko si Kyron at masama ang tingin kay Sergio. "How come you court her when you know Froi likes her?"

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil hindi ko inaasahan na alam pala ng magkakaibigan na gusto ako ni Froi.

Bumuntonghininga si Sergio. "I love Alliah-"

Napatili ako sa gulat nang biglang sinuntok ni Froi si Sergio sa mukha. Sa lakas ng suntok nito ay bumagsak sa sahig si Sergio.

Tatayo na sana si Sergio nang muli siyang sinuntok ni Froi. Dumugo na ang ibabang labi nito at nagkaroon ng sugat. Akmang aamba pa sana ng suntok si Froi nang napigilan na siya nina Iall at Kyron.

"Tangina ka, Sergio! Pinagbigyan at pinabayaan kitang manguna sa banda dahil kaibigan kita tapos ngayon tataluhin mo 'ko?! Traydor kang hayup ka!" gigil na sigaw ni Froi na malalim ang paghinga at makikita ang labis na galit at pagkasuklam kay Sergio.

Halos hindi ako makahinga sa takot at kabang nararamdaman. Nag-aaway ang magkakaibigan at nang dahil iyon sa akin. Gusto kong lapitan si Sergio pero baka mas lalo silang magalit kung gagawin ko iyon.

Unti-unting tumayo si Sergio mula sa pagkakabagsak sa sahig at pinunasan ang tumutulong dugo sa ibabang labi niya. Nakita ko ang panginginig ng mga kamao niya at senyales iyon ng pagpipigil ng galit.

Hindi ko pa ito nakikitang magalit dahil tahimik lang siya at kalmado. Sobrang haba ng pasensya niya kay Froi at kailanman ay hindi ito pinatulan.

"Wala akong tinalo sa'yo, Froi at hindi rin ako traydor." madiing sabi ni Sergio ng nakayuko.

Kinilabutan ako sa lamig at diin ng boses niya. Ramdam ko na kaunti na lang at sasabog na siya sa galit.

Pumalakpak si Froi na para bang may nakakatawa sa sinabi ni Sergio. "Hindi traydor? Inamin ko na sa inyong gusto ko si Alliah pero anong ginawa mo? Nanligaw ka pa? Ginagantihan mo ba 'ko dahil pinatulan ko 'yong ex-girlfriend mong malandi-"

Natakpan ko ang bibig ko at tumulo na ang mga luha ko nang biglang sinugod ni Sergio si Froi at itinulak ito sa sahig. Pumaibabaw siya rito at sinuntok ng paulit-paulit.

Sila Riosh, Iall, at Kyron ay hindi makapaniwala sa nakikita nila kay Sergio. Hindi nila alam kung paano ito aawatin dahil parang naging tigre sa bangis at tapang ang Sergio na nakikita namin ngayon.

That One ThingWhere stories live. Discover now