Chapter 40

7.8K 293 80
                                    

Alliah

"Hey!"

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang umupo sa tabi ko si Guil. Bigla akong kinabahan dahil mag-isa lang siya at hindi niya kasama si Jack.

Simula nang sinabi sa akin ni Sergio ang lihim na sikreto ni Guil ay nakaramdam na ako ng takot dito. Dapat ay iwasan ko siya at hindi na ako pwedeng makipaglapit sa kanya.

Nangako si Sergio na tutulungan niya ang ex-girlfriend ni Guil para makamit ang hustisya na dapat ay para rito at ang kapalit n'on ay maging boyfriend ko siya. Sana ay gawin lahat ni Sergio ang paraan para tuluyan nang mabulok sa kulungan itong lalakeng nasa harapan ko.

"Bakit parang nakakita ka ng multo d'yan, Alliah? Is there anything wrong?" Natawa si Guil at nag-lean sa akin para mas matignan ang reaksyon ko.

Umiling ako at umiwas ng tingin. "W-Wala naman. Bigla-bigla ka kasing sumusulpot kaya nagulat lang ako." ani ko. Hindi niya pwedeng malaman na alam ko na ang sikreto niya. Kailangan ko muna itong ilihim at saka ko na siya kokomprontahin kapag nakausap na ni Sergio ang ex-girlfriend niya.

"Oh, I see," Sumandal si Guil sa inuupuan niya at nilibot ng tingin ang buong Cafeteria.

Hindi bakas sa itsura niya ang manakit at manamantala ng isang babae. Talaga ngang mapanlinlang ang itsura ng isang tao dahil hindi mo malaman kaagad kung may nagkukubli bang demonyo sa kalooban niya.

"Nasaan nga pala si Jack?" tanong ko para pawiin ang kaba at takot na nararamdaman ko.

Tumingin sa akin si Guil at pinanliitan ako ng mga mata. "He's absent because he's with your new Australian friend, trying to console her; it's clear that he likes her." seryoso niyang sabi.

Hindi na ako masyadong nagulat dahil halata naman sa mga tingin at ikinikilos ni Jack na interesado siya kay Katy. Bigla ko na lang naalala si Katy kung paano siya umiyak at halos magmakaawa sa pagmamahal ni Murphy. Hindi ko sila nakitang dalawa ngayon dito sa school at siguro ay hindi sila pumasok dahil sa nangyari noong nakaraang linggo sa birthday celebration ni Katy.

Tumango ako at ininom ang natitira kong mango shake. Nang maubos ko ito ay tumayo na ako sa kinauupuan ko at akmang aalis nang hinawakan ni Guil ang kamay ko.

"Wait, Alliah! Ano ba talagang problema? Why are you so distance from me and unable to look me in the eyes? May nagawa ba akong kasalanan sa'yo?" naguguluhan niyang sabi.

Umiling ako at dahan-dahang tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "M-masama lang ang pakiramdam ko, Guil. Pasensya ka na, babalik na 'ko sa klase ko." sagot ko.

"Liar."

Nagulat ako sa sinabi niya. Tumawa siya ng sarkastiko.

"You knew it, and you believe those rumors?" nakangisi niyang tanong.

Nanlaki ang mga mata ko.

"I will never do that to my ex-girlfriend, Alliah; you know me, right? That girl was obsessed with me, and she only wants to ruin my and my family's reputation. Wala nga siyang maipakitang ebidensya na ni-rape ko siya kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin niya 'ko napapakulong," tila natutuwa niyang sabi.

Base sa ekspresyon na ipinapakita ni Guil ay halatang nagsisinungaling siya. Ni walang bahid ng takot at pagsisisi sa kanya habang sinasabi ang mga kasinungalingang 'to.

"Paano kung naniniwala ako na ginawa mo nga 'yon sa ex-girlfriend mo?" tanong ko at tinignan siya nang mapanghamon.

Umawang ang bibig ni Guil sa sinabi ko pagkaraan ay ngumiti siya. "Then you're believing the lies of an obsessed woman. Bakit ako mananamantala ng isang babae sa dami ng nagkakagusto sa 'kin? Come to think of it, Alliah. Don't believe the rumors. Binanggit din ba sa'yo 'to ni Kuya Sergio kaya paning-paniwala ka naman?"

That One ThingWhere stories live. Discover now