Chapter 16

6.6K 285 55
                                    

Alliah

Lumipas ang sabado at linggo, ngayon ay lunes na. Nakuha ko na ang isang buwang sweldo ko dahil trinansfer na ito ng Manager namin sa restaurant sa bank account ko kaya mababayaran ko na si Iall sa renta sa apartment at pati na rin sa gastos ko sa tubig, kuryente, at pagkain. Wala ng libre sa mundo kaya kailangan kong tanawin ng malaking utang na loob ang pagtulong ni Iall. Nagpapasalamat rin ako na napunta ako sa may mabubuting mga kamay dahil sa panahon ngayon ay naglipana ang mga masasamang loob na hindi dapat pagkatiwalaan.

Hindi na ako nagpahatid sa magkakaibigan sa restaurant dahil sa totoo lang ay kinakabahan ako sa hindi ko pagsipot sa friendly date namin ni George. Hindi siya sumagot sa text ko na inexcuse kong masama ang pakiramdam ko nung Sabado. Nagtatampo kaya siya sa akin?

Nagjeep ako papunta sa restaurant at bandang 7:50 am ay nakarating ako. May iilang empleyado na ang present kabilang na doon sina Debbie at Gidalyn na abala sa pagma-mop ng sahig at pagpupunas ng table sa counter.

Nang makita nila akong pumasok ay sandali nilang itinigil ang kanilang ginagawa at lumapit sa akin.

"Good morning, Alliah! Kumusta ang date n'yo- este friendly date ninyo ni George? Ayos naman ba? Wala ba siyang ginawang masama sa'yo?" sunod-sunod na tanong ni Debbie.

"Gumawa ba ng the moves? Hinalikan ka? o naka first base na?" malisyosang tanong ni Gidalyn kaya tinampal ni Debbie ang kamay nito.

Nakagat ko ang ibabang labi ko at bumuntonghininga. "Hindi ko sinipot si George nung Sabado. Nag-alangan kasi ako sa sinabi ni Kyron na baka may gawing masama si George lalo na't hindi ko pa siya lubusang kilala." Pag-amin ko na ikinagulat nila.

"Nako, girl! Baka umasa si George sa friendly date n'yo. Ano naman ang ginawa mong excuse ng hindi mo siya sinipot?" tanong ni Debbie.

"Sinabi ko na may trangkaso ako at masama ang pakiramdam." sabi ko at nanghihinang umupo sa isang silya.

Umiling si Gidalyn. "Sure na nasaktan at umasa si George pero tama naman kasi si Fafa Kyron, hindi mo masyadong kilala 'yong tao tapos may gusto pa sa'yo pero... hay ewan, ang hirap talagang maging maganda!" aniya at pinagpatuloy ang pagpupunas sa table ng counter.

Hinaplos naman ni Debbie ang balikat ko at may sasabihin pa sana nang biglang dumating si George kasama si Renan. Nang makita ako ni George ay hindi siya ngumiti o binati ako na palagi niyang ginagawa. Parang hangin lang ako na dumaan sa kanya at hindi pinansin. Kaagad siyang nagtungo sa locker room ng mga lalake kasunod si Renan napailing na lang.

"Tsk! Mukhang may kailangan kang suyuin, girl. Nagtatampo si George sa'yo," sabi ni Debbie na itinuloy na ulit ang pagma-mop ng sahig.

Tumayo ako sa silya at nagpunta sa pasilyo ng locker room ng mga lalake para abangan si George. Kailangan ko siyang makausap para humingi ng paumanhin sa hindi ko pagsipot sa friendly date namin.

Ilang minuto lang ay lumabas siya sa loob ng locker room kasama si Renan at pareho ng nakasuot ng uniform namin sa restaurant.

Napa "o" ang bibig ni Renan nang makita ako at nginisian si George na may malamig namang tingin sa akin.

"Good morning, Alliah. Mag-usap kayo nitong kaibigan ko dahil nung Sabado pa 'yan badtrip." sabi ni Renan na tinapik pa ang balikat ni George bago kami iwan.

That One ThingWhere stories live. Discover now