Chapter 32

5.9K 267 79
                                    

Froi

Kanina pa ako inuubo at nagkaroon na ng trangkaso dahil sa lamig ng panahon lalo na't bumabagyo. Ako lang ang mag-isa dito sa kwarto ni Silas dahil natulog siya sa kwarto ni Luca na hindi pa nakauwi sa bahay nila.

Punyemas! Nabugbog na nga ako tapos trinangkaso pa ako? May imamalas pa ba ako sa lintik na buhay na 'to?

Bumangon ako sa kama ni Silas at isinuot ang puting t-shirt na ipinahiram niya sa akin. Nasanay na ako na kahit malamig ang panahon ay matutulog akong nakahubad, pero ngayong may sakit ako ay hindi ko kinaya ang lamig. Wala pa ring tigil sa pag-ulan, hindi na kumukulog at kumikidlat pero malakas ang ulan.

Sumandal ako sa headboard ng kama at hinilot ang sintido ko. Parang binibiyak sa sakit ang ulo ko. Ang laki-laki kong tao pero heto't nagkasakit ako!

Bigla ay nakarinig ako ng pagkatok mula sa pintuan ng kwarto at narinig kong nagsalita si Alliah. Tinignan ko ang oras sa wall clock at alas-onse na ng gabi.

"Froi? May dala ako, pwede bang pumasok sa loob?" maingat na tanong ni Alliah. Kahit masakit ang ulo ko ay tumayo ako sa kama at pinagbuksan siya ng pintuan.

Hindi ko mapigilang humanga sa kagandahan ng babaeng 'to. Kahit sa simpleng suot niyang pajama ay bumagay iyon sa kanya.

Suminghap ako para itago ang nararamdaman ko. May dala siyang tray at mayroon ritong isang basong tubig at dalawang tablet ng bioflu.

"Kanina ko pa kasi naririnig na umuubo ka at sinabi ni Kuya Silas na dalhan kita ng tubig at gamot." halos hindi makatingin na sabi ni Alliah at inilapag sa bedside table ang dala niya.

"Salamat," sabi ko.

Tumango siya at nginitian ako. "Inumin mo 'yang gamot para gumaan ang pakiramdam mo. Masakit pa ba ang mga kamao at kaliwang mata mo?" tanong niya at inobserbahan ang kalagayan ko.

Napangiti ako dahil masaya ako na kahit masama ang ugali ko ay concern siya sa akin. "Okay na 'ko at saka malayo naman 'to sa bituka. Masamang damo rin ako kaya hindi ako mamamatay sa bugbog at trangkaso." pagbibiro ko.

Pabirong umirap si Alliah pero hindi na nagsalita. Pareho kaming natahimik hanggang sa umupo siya sa gilid ng kama at pinaupo ako sa kahoy na upuan sa gilid ng bedside table.

"Froi, 'yong ginawa noon ng kapatid mong babae kay Sergio sa mall show, inutos mo ba talaga 'yon para mapahiya si Sergio sa fans n'yo?" seryoso niyang tanong.

Tumango ako. Bakit pa ako magde-deny kung halata at mukhang alam na iyon ni Sergio at ng mga kaibigan namin?

"Pinagawa ko 'yon sa kapatid kong si Alyssa at sa asawa niya dahil galit ako kay Sergio; sa panliligaw niya sa'yo. Hindi ko itatanggi na naging masaya ako dahil nagkaroon siya ng haters pero nakita mo naman, mas sumikat siya sa That One Thing dahil sa bad publicity niya na kagagawan ko." sabi ko at kinuha ang isang tablet ng bioflu sa tray at saka ininom.

"Pero bakit kaya mong gawin 'yon sa kanya? Hindi ba't kaibigan mo siya at nabanggit rin ni Iall na umiyak ka raw nang malaman mong may eating disorder si Sergio?" Tanong ni Alliah.

Natatawa na lang talaga ako kapag naaalala ko na isang beses ay iniyakan ko si Sergio na itinuturing ko nang kaaway at karibal. Minsan kasi ay tinatablan din naman ako ng awa at konsensya lalo na't naging mabuting kaibigan sa akin iyong tao pero ngayon ay wala akong ibang maramdaman kundi inggit, galit, at selos.

That One ThingWhere stories live. Discover now