Chapter 18

6.5K 313 113
                                    

Alliah

"Sobra talagang pinagsisihan namin ang pagpapalayas na ginawa namin kay Alliah kaya maraming salamat at pinatuloy n'yo siya dito sa apartment mo, Iall." ani Kuya Luca.

Nagtipon kami sa balcony at sama-samang nag-iinuman. Si Debbie ay may galit pa rin kay Kuya Miles at sa tuwing nagpapang-abot sila ay palagi na lang nagbabangayan. Mabuti at pareho silang kalmado ngayon, nahihiya rin siguro na masira ang gabing ito. Si Gidalyn naman ay kanina pa nakatitig kay Kuya Luca. Halata na talaga siyang may crush sa kapatid ko tsk!

"No problem, Luca. She looks so problematic inside the cafe shop so I offer her my apartment. Good thing at may vacant room dito." sagot ni Iall habang umiinom.

"Napaniwala din kami ng mga ebidensya na ipinakita ni Murphy sa'min tapos sumakto pang nakita namin siyang hinalikan si Alliah sa labas ng bahay." napailing si Kuya Silas.

Pagkatapos akong ihatid ni Murphy sa apartment isang buwan ang nakalipas ay hindi ko na siya muling nakita pa. Nabalitaan ko na lang na nagpunta na pala ito sa Australia para doon ipagpatuloy ang pag-aaral niya. Wala akong ideya kung bakit bigla siyang umalis ng Pilipinas pero may theorya ako na dahil din sa akin kung bakit niya naisipang lumayo.

Mabait at mapagmahal na lalake si Murphy, kaso nga lang ay hindi ko siya gusto. Sana'y makatagpo rin siya ng babaeng kayang suklian ang pagmamahal niya.

"Is he your first kiss, Alliah?" seryosong tanong ni Riosh sa akin.

First kiss?

Sa totoo lang ay may humalik na sa akin noong bata pa lang ako sa ilalim ng puno ng playground kung saan ako nakatulog pero hindi ko nakita iyong mukha nung batang lalakeng humalik sa akin dahil nang maramdaman kong hinalikan niya ako at nagmulat ng mga mata ay nakita ko na lang itong nakatalikod at naglalakad papalayo. Mga 10 years old lang ako no'n at sigurado akong hindi si Murphy ang batang lalakeng iyon.

Para wala na silang tanong ay tumango na lang ako kahit hindi naman talaga si Murphy ang first kiss ko.

"Damn. What a lucky guy!" Tumawa si Kyron at nakipag-cheers sa katabi niyang si Froi na ngumiti na lang.

Sa loob ng isang buwan ay biglaan ang pagsikat ng That One Thing. Marahil ay napakaimposible na maging sikat at tanyag ang isang aspiring boyband sa loob lang ng isang buwan pero nagawa iyon ng limang magkakaibigan. Kung sa bagay ay may mga small fanbases na sila noong nagpeperform pa lang sa mga bar at clubs at ang dami na rin nilang social media followers kaya madali na lang para sa kanila ang sumikat.

Itong apartment ni Iall ay may mga bantay ng security guards para hindi pasukin ng mga Paparazzi. Kahit sumikat na ang That One Thing ay nanatili pa rin sila dito sa apartment at maging pati na ako. Natutuwa rin akong naging ka-close ng mga kapatid ko ang magkakaibigan. Malapit ang loob ni Kuya Miles kay Sergio samantalang malapit pa rin sina Kuya Silas at Froi. Pare-parehas sila ng personalidad kaya nagkapalagayan ang loob nila.

Tumingin ako kay Sergio at tahimik lang itong umiinom katabi si Kuya Miles. Habang nag-uusap ang iba ay ngumingiti lang siya at tumatango kapag may itinatanong sa kanya.

Masaya ako dahil unti-unti na siyang nakakarecover sa eating disorder niya at nagkalaman na din ang katawan niya at mas dumami pa ang mga tattoo sa katawan.

Napakagwapo talaga ni Sergio.

"Ayan ka na naman sa paninitig mo kay Fafa Sergio, girl! Halata ka na." Siniko ako ni Gidalyn at nahuli na naman niya akong nakatitig kay Sergio.

That One ThingWhere stories live. Discover now