Chapter 22

6K 282 59
                                    

Alliah

Nang mabalitaan ko sa news ang ginawa ng kapatid ni Froi at ng grupo nito sa mall show kanina ng That One Thing ay kaagad kong pinuntahan si Sergio pagkauwi ko sa apartment galing sa pinagtatrabauhan kong restaurant.

Kumatok ako sa tapat ng pintuan ng kwarto niya at makalipas ng ilang segundo ay pinagbuksan niya ako.

Muntik na akong mapasinghap dahil sa bango at ayos niya sa suot na itim na t-shirt at jogging pants. Kinalma ko ang sarili ko at pinigilang pairalin ang kalandian.

"Ah... nabalitaan ko pala 'yong nangyari sa'yo kanina. Ayos ka na ba?" nag-aalala kong tanong.

"I'm okay." tipid niyang sagot at pinapasok ako sa loob ng kwarto.

Pinaupo ako ni Sergio sa isang upuan at umupo naman siya sa edge ng kanyang kama.

"Napahiya ka sa harap ng maraming tao at hindi ko maiwasang mag-isip na baka plano 'yon ni Froi-"

"Alliah, whether Froi used his sister to exact revenge on me for what I've done to him, I guess I deserve it for being violent and hot-headed. Dahil sa akin ay hindi siya makapagperform sa banda." Bumuntonghininga siya at umiling.

Lumapit ako kay Sergio at tumabi rito. Hinawakan ko ang kamay niya na nagpatigil sa kanya.

"Napakabuti mo, Sergio dahil kahit gano'n si Froi ay iniintindi mo pa rin siya alang-alang sa pagkakaibigan n'yo at sa banda. Hindi kita masisisi na nabugbog mo ang lalakeng 'yon dahil nakakainis na siya!" Umirap ako na ikinatawa niya.

"He likes you, right? Why can't you give him a chance? Froi is attractive and hot." tanong niya at pinagsalop ang kamay naming dalawa na nagpainit sa pisngi ko.

"I-Ikaw kasi ang nagustuhan ko kaya hindi ko siya gusto at ayoko ng ugali niyang palagi na lang naiinggit at nagseselos sa'yo." sabi ko at nagpout.

Napangiti si Sergio at tinitigan ang labi ko. Mas lalong nag-init ang pisngi ko sa tingin niya.

"Masaya ako at ako ang nagustuhan mo, Alliah. I'll do everything to pursue you and make you my girl. I will not let you down." Pangako niya at muling binalik ang tingin sa mukha ko.

Tumango ako at ngumiti.

Kinabukasan nang bumaba ako sa kwarto ko ay naabutan ko sa sala si Kuya Silas na kausap si Froi. Hindi nito kasama sina Kuya Miles at Kuya Luca na sa tuwing nagpupunta sa apartment ay palagi niyang kasama.

"Good morning, kuya." bati ko at lumapit sa kanila.

Hindi ngumiti o nagsalita si Kuya Silas at tinignan lang ako ng seryoso. Si Froi naman na nasa tabi nito ay pinagkrus ang mga brasong may cast at benda.

"Totoo ba 'yong sinabi ni Froi na nililigawan ka ni Sergio?" seryosong tanong ni Kuya Silas.

Dahan-dahan akong tumango at sinulyapan si Froi. Tinaasan niya naman ako ng kilay.

Napailing si Kuya Silas. "Alliah, nakita mo naman 'yong ginawa ng lalakeng 'yon kay Froi. Kahit ang sarili niyang kaibigan ay binugbog niya! Paano na lang kapag ikaw naman ang sinaktan niya dahil sa pagiging mainitin ng ulo niya?" Inis niyang tanong.

That One ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon