Chapter 36

7K 278 103
                                    

Alliah

"Why choose one when you can choose all five of us?"

Simula nang aminin ko ang tunay kong nararamdaman para kila Sergio, Froi, Iall, at Kyron ay hindi na nila ako tinigilang suyuin. Si Riosh na boyfriend ko na ay hindi rin alam ang gagawin kung paano mapapaalis ang apat na kaibigan niya sa buhay ko. Mukhang malabo na iyon lalo na't umamin na ako ng nararamdaman para sa kanila at iyon ang panghahawakan nila para hindi ako tigilan at lubayan.

Ayokong maging impokrita pero gusto ko ang panunuyo ng apat sa akin. Gusto ko sila at sa kaisipang magkagusto sila sa ibang babae ay nasasaktan na ako. Ganoon na ba ako ka-selfish para angkinin din sila gayo'ng si Riosh ang boyfriend ko? Ang hirap pigilan nitong nararamdaman ko at sana'y maintindihan ito ni Riosh.

"Are you okay, Alliah?"

Natigilan ako sa pag-iisip nang biglang magsalita si Guil. Nasa Cafeteria kami kasama si Jack na nagluluksa dahil naghiwalay na sila ng girlfriend niya.

Tumango ako. "Ayos lang ako," sagot ko.

Hindi kumbinsido si Guil sa sinabi ko at tinitigan ako ng mariin. "Don't lie to me, Alliah. Is this because of that band? You confessed to us that you like the five of them, right?"

Dahil mapagkakatiwalaan naman sina Guil at Jack ay sinabi ko ang tunay kong nararamdaman para sa That One Thing. Hindi nila ako hinusgahan at naiintindihan ako.

Napabuntonghininga ako. "May boyfriend na 'ko at si Riosh 'yon na kaibigan nila tapos... gusto ko rin si Sergio at ang mga kaibigan niya. Hindi tama 'yon, hindi ba? Dahil kapag nagmamahal ay dapat sa isang tao lang ilaan ang puso mo."

Si Jack na kanina pa nakasubsob sa lamesa ay naging interesado sa sinabi ko kaya nag-angat siya ng tingin sa amin ni Guil.

"Nasa modernong panahon na tayo ngayon, Alliah kaya kung magkagusto ka sa limang lalake at mahal ka naman nila ay walang problema do'n. Don't worry about what others say as long as you're happy, and if Riosh doesn't understand your feelings, it means he doesn't truly love you." saad ni Jack.

"Woah man? Kailan ka pa naging love adviser, huh? Is that the result of your breakup with your girlfriend?" pang-aasar ni Guil pero sinamaan lang siya ng tingin ni Jack at muling bumalik sa pagkakasubsob sa lamesa.

Tama si Jack, kung totoong mahal ako ni Riosh ay maintindihan niya itong nararamdaman ko kahit weirdo man at hindi ko maipaliwanag kung bakit.

"Alliah!"

Ring na rinig sa buong Cafeteria ang pagtawag ni Katy ng pangalan ko kaya lumingon sa amin ang ibang mga estudyante. Napa facepalm na lang ako at piniling ngumiti sa kanya at sa kasama nitong si Murphy na nakasunod sa likuran niya.

Nang makalapit sila sa table namin ay umupo si Katy sa tabi ko samantalang si Murphy ay tahimik na umupo sa tabi ni Jack na natigilan nang makita si Katy.

"You three are here! We've finished eating because I made a lunch box for Murphy and I. How are you, Alliah?" nakangiting tanong ni Katy na sandaling pinasadahan ng tingin si Jack.

"I'm fine," sagot ko at iniwasang huwag tignan si Murphy na ramdam kong nakatingin sa akin.

"It's my birthday today, and I'd like to invite you all to Murphy's house to celebrate, where I'm staying while studying here in the Philippines." masayang saad ni Katy.

So, nakatira pala si Katy sa bahay nila Murphy. Mabuti na iyon para naman magkaroon sila ng mas magandang samahan bilang magkarelasyon at sa lawak at laki ng bahay nila Murphy ay kayang-kaya niyang magpatira ng sampung tao roon.

That One ThingWhere stories live. Discover now