Chapter 28

5.7K 237 92
                                    

Alliah

Ilang beses ko nang tinext at tinawagan si Sergio pero hindi niya ito sinasagot. Nagri-ring lang ang cellphone niya at halatang iniiwasan akong makausap. Talagang nagalit siya nang hindi ko kaagad natanggihan ang balak na panliligaw nina Riosh at Kyron.

Siya ang una kong nagustuhan sa magkakaibigan pero... nalilito na ako para sa nararamdaman ko rin kina Riosh at Kyron.

Kung pwede lang talaga na hatiin 'tong puso ko at ibigay sa kanila isa-isa ay ginawa ko na huwag lang silang masaktan. Tama si Kuya Luca; wala ako sa harem world para mahalin ang apat na magkakaibigan dahil kailangan ko lang na pumili ng isa.

Dahil namiss akong kabonding ng mga kapatid ko nang mahigit dalawang buwan na wala ako sa bahay ay nagyaya sila na mag-bowling sa mall. Isa ito sa paborito naming gawin kapag wala kaming mga pasok sa trabaho o eskuwela at pampalipas oras na din.

Maganda na ang pakikitungo ko kina Kuya Miles at Kuya Luca pero naiinis pa rin ako kay Kuya Silas. Hindi ko gusto 'yong ginagawa niyang pagma-matchmaking sa amin ni Froi. Ayoko sa lalakeng iyon dahil sa immature niyang ugali. Sana talaga ay sapian siya ng magandang espiritu at paggising niya ay magdilang-anghel siya sa akin at sa mga kaibigan niya.

Unang paggulong pa lang ni Kuya Silas ng bowling ball sa bowling lane ay kaagad niyang natamaan ang sampung pins. Magaling siya sa pagbo-bowling at kung tutuusin ay pwede siyang sumali sa mga bowling competitions dahil sa maganda niyang skills at technique dito pero panglibangan lang niya ang larong ito at hindi sineseryoso.

Pagkatapos niyang tumira ay turn na ni Kuya Miles. Lumapit si Kuya Silas sa kinaroroonan ko at umupo sa tabi ko.

"Tinawagan ko si Froi kanina, pupunta siya dito para makisali sa atin," aniya at kinuha ang pineapple quencher na binili namin kanina.

Nagulat ako sa sinabi niya at tumingin kay Kuya Luca na napailing na lang.

"Ano na naman ba 'tong ginagawa mo, Kuya Silas? Alam mo na hindi ko gusto ang Froi na 'yon dahil-"

"Mabait si Froi, Alliah. Naiinis lang siya sa bayolente mong manliligaw kaya may mga nasasabi siyang hindi maganda." Pagputol niya sa sinasabi ko.

Ito na naman, ano bang pinakain ng Froi na iyon kay Kuya Silas at sobra siya nitong pinagkakatiwalaan?

Wala pang sampung minuto ay dumating na si Froi sa Bowling Alley kung nasaan kami ng mga kapatid ko.

Hindi ko maipagkakaila na gwapo siya at malakas ang dating sa suot na itim na t-shirt na hapit sa kanyang katawan, comb-over na buhok na paborito niyang hairstyle, dark jeans at itim na sapatos.

Badboy kung tignan si Froi dahil na rin sa mga tattoo niya sa braso at may matapang na mukha na nakakadagdag sa appeal niya. Marami siyang fans sa That One Thing at gustong-gusto ng mga ito ang stable niyang boses. Talented siya pero sana ay maging talented din siya sa kagandahang asal.

"Hello!" bati niya nang lumapit sa amin.

Tumayo si Kuya Silas at tinapik ang balikat ni Froi. "Mabuti at nakarating ka, Froi. Wala ba kayong show ngayon?" tanong nito.

Ngumiti si Froi at tumingin sa akin. "May practice kami pero pumunta ako dito para kay Alliah." sabi niya.

Napairap ako at humalukipkip samantalang si Kuya Luca na nakatayo at tinitignan ang ginagawa ni Kuya Miles sa bowling lane ay tumingin kay Froi dahil sa sinabi nito.

That One ThingWhere stories live. Discover now