Chapter 29

5.8K 252 95
                                    

Alliah

Unang araw ng pasok ko bilang 1st year college student sa St. Claire University na isa sa pinakasikat na unibersidad sa Maynila. Dahil honor student ako noong high school ay nakatanggap ako ng full scholarship sa university na ito. BSBA Major in Human Resource Management (HRM) ang pinili kong kurso.

Si Kuya Luca ang naghatid sa akin papasok sa St. Claire. Wala na akong naging balita kay Sergio dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako kinakausap. Naiiyak na lang ako kapag naaalala ko siya pero hindi ko ito masisisi kung bakit may galit o tampo man siya sa akin.

Wala pa rin akong pinal na desisyon tungkol sa panliligaw nina Riosh at Kyron. Kung tatanggihan ko sila dahil kay Sergio ay nasasaktan na ako para doon. Selfish ba ako para magustuhan rin sila kahit alam ko noong una na si Sergio lang ang gusto ko?

Naglalakad ako sa hallway ng St. Claire at hawak ko ang schedule para sa unang klase ko at hinahanap ang room number ng classroom ko. Maraming mga estudyante ang nasa hallway at katulad ko ay naghahanap sa kanilang klase, ang iba sa kanila ay mukhang magkakakilala na. Dahil hindi ako pamilyar sa St. Claire at ito ang unang beses na makapasok at makatapak ako rito ay wala akong kakilalang estudyante.

"Alliah?"

Napahinto ako sa paglalakad nang may tumawag sa pangalan ko. Humarap ako sa taong iyon at nasurpresa ako nang makita si Guil at ang isa sa mga kaibigan niya na nakita ko noon sa restaurant na pinagtatrabauhan ko na kung saan ay doon sila kumain.

"Kayo pala," saad ko habang naglalakad sila papalapit sa akin.

Malaki ang ngiti ni Guil at ang kaibigan niya ay nakangisi.

"I didn't expect you to study here; this is my first option school, and my course is a BS in Architecture." sabi ni Guil at inayos ang suot niyang itim na cap.

Tumango ako. "Nakakuha ako ng full scholarship sa school na 'to at hinahanap ko ang BSBA-HRM building." sabi ko. Naiilang man kay Guil ay dapat ko itong labanan dahil mabait naman siya at hindi ako pinapakitaan nang hindi maganda.

Pinitik ni Guil ang daliri niya. "Oh? Katabi lang 'yan ng BSA building namin kaya sabay na tayong maglakad papunta doon. By the way, he's Jack, my friend." aniya at ipinakilala ang lalakeng kasama niya.

"Hi! I'm Jack. Nakita mo na 'ko sa restaurant, 'di ba? Best buds ko 'tong si Guil." sabi ni Jack at inakbayan si Guil na ngumiti.

"Ako nga pala si Alliah." pagpapakilala ko.

"I'd already know you dahil palagi kang bina-" Hindi na naituloy ni Jack ang sasabihin niya nang biglang tinakpan ni Guil ang bibig niya.

"Shut up, Jack! Just keep quiet, okay?" pabulong na sabi ni Guil sa kaibigan niya na narinig ko.

Tumango na lang si Jack at ngumisi.

Dahil magkatabi lang ang course building namin ay sumabay na ako sa kanila na maglakad papunta rito. Napapansin ko ang iilang estudyante na napapatingin sa amin. Hindi ko alam kung bakit nila kami tinitignan pero baka ay dahil iyon kina Guil at Jack o siguro'y dahil sa akin na napapabalitang girlfriend ni Sergio at namumukhaan ako.

Nang makarating kami sa building namin ay itinuro sa akin ni Guil ang BSBA-HRM building. "That's your course building; just go inside and find your first class."

That One ThingWhere stories live. Discover now