Chapter 33

6.8K 288 152
                                    

Riosh

I leaned back against the hood of my car, waiting for Alliah's dismissal. Kanina pa ako pinagtitinginan ng mga taong nakakakilala sa akin at iyong iba ay nagpapicture at autograph din. I'm glad these people aren't crazy and overly fangirling over me, because I'm still at peace while waiting for my girl.

Nang makita kong unti-unti nang nagsisilabasan ang mga estudyante ng St. Claire ay tinanggal ko ang suot kong itim na shades at umayos ng tayo. I don't know why I'm nervous and my heart is racing; perhaps it's because I'm in love? I'm not sure because this is the first time I've felt this way.

Expected ko nang may mga makakakilala sa akin na ibang estudyante kaya nang makita ko si Alliah ay nagmadali akong lumapit sa kanya. Kasama niya ang nakababatang kapatid ni Giorgia na si Guil at ang kaibigan nito na palaging kasama.

"R-Riosh? Ano'ng ginagawa mo rito?" With wide eyes, Alliah asked. She's really cute.

"Pinuntahan kita dahil gusto kitang makausap." sabi ko at tinignan saglit si Guil.

"Hindi mo na 'ko kailangang puntahan at makausap ng personal. Gusto ko nang lumayo sa banda n'yo dahil alam mo ang nangyayari sa sitwasyon natin." mariing sabi ni Alliah.

I sighed and combed my hair. Maybe it's a bad idea for me and my other friends to pursue her at this time. Alliah is only 19 years old and still in school. The thought of being the one to break and ruin our band frightens her.

"Alliah, mauuna kami. Mukhang may maghahatid na sa'yo pauwi kaya sa susunod na lang," Guil said to Alliah while looking at me.

I'm not sure what it is about this guy, but I have a strange feeling about him.

"Sige, kita-kits na lang bukas," sabi ni Alliah na nginitian si Guil at ang kaibigan nito.

Tumango si Guil at tinignan ulit ako bago naglakad papaalis kasama ang kaibigan niya.

Nang makaalis ang dalawa ay hinila ko si Alliah at ipinasok sa dala kong bagong kotse. Ayoko namang dumugin kami ng mga tao dahil napansin ko na kinukuhanan na kami ng litatro. I started my car's engine and drove away, leaving Alliah perplexed about where I was taking her.

"Saan ba tayo pupunta, Riosh?" she asked.

"Natulog raw si Froi sa bahay n'yo? Sergio informed us." seryoso kong tanong.

Bumuntonghininga si Alliah. "Bumagyo no'n at delikado na kung uuwi si Froi sa apartment ni Iall kaya nag-suggest si Kuya Silas na makituloy muna siya sa bahay. Nagkaroon din siya ng trangkaso at nabugbog kaya tinulungan ko pero teka... paano nalaman ni Sergio na nasa bahay namin si Froi nung panahon na 'yon?"

Noong pinatigil ni Alliah sa panliligaw si Sergio ay naging mas weirdo at tahimik si Sergio. He's keeping an eye on Alliah because he hired bodyguards to stalk and monitor her. He's already a creep for doing that, but his reason is that he's worried about Alliah, especially when Giorgia's brother Guil is nearby.

"He's stalking you, Alliah," I confessed, which surprised her.

"P-pero bakit niya ginagawa 'yon?" gulat na tanong ni Alliah.

"Sergio is already crazy about you, just like me," I chuckled, because it's true. I'm obsessed with Alliah and can't get her out of my head.

That One ThingWhere stories live. Discover now