Chapter 6

8.5K 371 95
                                    

Alliah

Kinawayan ako nina Iall at Kyron pagkapasok namin ni Riosh sa rehearsal studio. Si Riosh na nasa likod ko naman ang nagdala ng bag ko.

Ngumiti ako sa dalawa hanggang sa makalapit kami. Tumingin naman ako kina Sergio at Froi na nakaupo sa parehong sofa. Nakatingin ng seryoso si Sergio sa akin samantalang si Froi ay ngumiti lang ng tipid.

"Thanks and you're now here; we bought foods earlier at sabay-sabay na tayong kumain," ani Kyron na sinimulan ng i-prepare ang biniling mga pagkain.

"Let's sit beside me, Alliah," utos ni Iall na tinapik ang bakanteng upuan sa tabi niya.

"Salamat." sabi ko at tumabi sa kanya.

Tumabi din si Riosh sa isa pang bakanteng upuan sa tabi ko na back to good mood na hindi kanina na parang galit siya ng makita si George.

Bakit ba siya nagagalit? Dahil concern siya, o nagseselos siya? Teka... nagseselos? Bakit naman siya magseselos kung wala siyang nararamdaman para sa akin? Ang assuming ko kung iisipin ko iyon!

"So, how's your work, Alliah?" tanong ni Iall na pinaghahanda ako ng pagkain.

"Ayos lang. Nakakapagod pero sanay na ako. Mag-iisang taon na rin naman akong nagtatrabaho sa restaurant." sabi ko.

"Are you going to be 19 this year?" tanong ni Kyron at nilagyan ako ng pineapple drinks.

"Oo. Next month."

"That's cool! Kailangan nating i-celebrate ang birthday mo pero sana 'wag ka munang umalis sa apartment. Masaya kasi kung nandoon ka dahil boring talaga kung kami-kami lang," sabi ni Kyron at tumingin sa mga kaibigan niya na sumang-ayon naman.

"Kung gusto mo lang magtagal sa apartment, Alliah. No pressure." sabi ni Iall ng nakangiti.

Napabuntong-hininga ako. "Alam ng mga kuya ko na nasa poder n'yo ako. Anytime ay pwede na raw akong umuwi sa amin pero binibigyan lang nila ako ng oras para makapag-isip dahil ramdam nilang nagtatampo pa rin ako sa ginawa nilang pagpapalayas sa akin." Pag-amin ko.

Natahimik sila.

"P-pero pwede naman akong magtagal kahit isang buwan pa sa apartment. Mababait kayo at nag-aalala pa kayo sa kalagayan ko."

Napangiti sila Riosh, Iall, at Kyron sa sinabi ko. Si Sergio ay nakatingin pa rin sa akin at si Froi ay tumayo na sa sofa at umupo sa tabi ni Kyron.

"Good. Dahil first time mong magcelebrate ng birthday kasama kami ay gagawin namin 'yong memorable, Alliah. You're like a little sister to us." ani Kyron.

Tumango ako at ngumiti.

Nag-umpisa na kaming kumain habang nag-uusap. Nilibot ko ng tingin ang studio ng magkakaibigan. May mini stage, piano, drum set, mics na nasa stand, etc. at ang motif ng studio room ay black and white.

Lahat sila ay nasa vocal positions at ang sabi nga ni Iall ay sina Sergio at Froi ang pinakamagaling na vocalists ng banda nila pero si Riosh ang ginagawa nilang front dahil marami itong fans at attractive din sa stage. Sinabi kong kilala sila ng mga katrabaho ko at hindi na sila nasurpresa doon.

That One Thingحيث تعيش القصص. اكتشف الآن