Chapter 30

6.2K 256 79
                                    

Alliah

Pagkasara ko sa gate ng bahay namin ay nakita ko si Sergio na nakasandal sa hood ng kanyang kotse habang naka-krus ang mga braso. Nang makita niya ako ay kaagad siyang lumapit sa akin.

Nagulat ako dahil nagpakita na siya matapos ng ilang linggong niyang hindi pagpaparamdam. Namiss ko siya pero nang maalala ang ilang beses kong pag-iyak nang dahil sa kanya ay muling nagbalik ang galit at tampo ko.

Lalagpasan ko na sana siya nang hinawakan niya ang braso ko. "Alliah, let's talk, please..." Nagmamakaawa niyang sabi.

"Kailangan ko nang pumasok dahil baka ma-late pa ako sa klase ko." malamig kong tugon at hahakbang na sana ulit paalis nang humarang naman siya sa daraanan ko.

"I know you're upset because I haven't been able to talk to you for a few weeks, but I'm just upset too because you didn't reject Riosh and Kyron's courtship." sabi niya at bumuntonghininga.

Natawa ako. "Nang dahil lang doon ay hindi mo na ako magawang kausapin o magpakita ka man lang? Ilang beses kitang tinext at tinawagan, Sergio pero inignora mo lang ako! Nasasaktan ako sa ginagawa mo dahil sinabi mong mahal mo ako pero may mahal ba na kayang tiisin ang babaeng mahal niya?" mapait kong sabi.

Gusto kong maiyak pero hinding-hindi ko na ulit sasayangin ang mga luha ko sa lalakeng ni hindi ko alam kung totoo bang mahal ako o mahal lang ako dahil sa physical appearance ko na karamihan sa mga lalake ay iyon lang ang pakay sa akin.

Natigilan si Sergio at lumungkot ang ekspresyon ng mukha. "I'm sorry... it's my fault, and I shouldn't have done that. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin kaya mas pinili kong 'wag ka munang pansinin para lang makapag-isip. Ngayon lang ako nagmahal ng totoo sa isang babae at sobra akong nasaktan dahil pati ang mga pinagkakatiwalaan kong kaibigan ay kaya akong traydurin dahil gusto ka rin nila."

Naiintindihan ko siya sa parteng iyon pero masisisi ba niya ako kung nasaktan ako sa hindi niya pagpansin sa akin?

"Then Froi loves you so much that when he got drunk, he kneeled down in front of me and begged me to give you from him. He was desperate, Alliah, and I've never seen him be like that to a girl. Hindi ko maiwasan na maawa sa kanya kahit ilang beses na niya akong ginago at trinaydor." Lumamlam ang mga mata ni Sergio at pumikit ng mariin.

Nagulat ako sa sinabi niya. Lumuhod si Froi sa harapan ni Sergio para lang sa pagmamahal nito sa akin?

"You know I'm not heartless, Alliah; you see how I put up with Froi's insecurities and jealousy toward me because he's my friend and bandmate; I care for him, and I think his offer to leave you pero... pagdating sa'yo ay kaya kong maging makasarili. Hindi kita kayang ibigay sa kanya dahil hindi ka bagay na pagmamay-ari nang kahit sinong lalake. I'm also in love with you and will continue to pursue you." Hinawakan ni Sergio ang kamay ko at pinagsalop ito sa palad niya pero kaagad ko iyong tinabig at lumayo sa kanya.

Dumaan ang sakit sa mga mata nito dahil sa ginawa ko.

"Gano'n na lang ba 'yon, Sergio? Pagkatapos nang ilang linggo na hindi mo 'ko pinansin ay bigla ka na lang magpapakita at sasabihing liligawan mo pa rin ako dahil mahal mo 'ko? Sa tingin ko, kailangan mo nang tumigil sa panliligaw at magfous ka na lang sa banda n'yo, 'wag ka ring mag-alala dahil hindi ako papayag na magpaligaw kina Riosh at Kyron. Lalayo na ako sa inyo at magfofocus na lang sa pag-aaral ko." sabi ko na nagpatigil sa kanya.

That One ThingWhere stories live. Discover now