Chapter 4

9.4K 437 111
                                    

Alliah

Bumuntong-hininga ako nang mabasa ang text ni Kuya Silas. Hindi ko alam kung paano nila nalaman kung nasaang lugar ako pero binibigyan nila ako ng oras para makapag-isip dahil hanggang ngayon ay nagtatampo pa rin ako sa ginawa nilang pagpapalayas sa akin.

Any time ay pwede raw akong bumalik sa bahay pero hindi ko pa iyon kayang gawin. Hindi madali ang naging sitwasyon ko simula ng pinalayas nila ako. Dalawang linggo akong halos umiyak at magkulong sa loob ng hotel room na pinaglagian ko hanggang sa maubos ang naipon kong pera para lang may matuluyan ako.

Hindi nila naisip ang kalagayan ko, paano kung hindi ko nakilala si Iall sa cafe shop na tinambayan ko? Paniguradong magiging pulubi ako sa daan at mamamalimos na lang ng pera para mabuhay.

Mahal na mahal ko pa rin ang mga kapatid ko at hindi naman ako magtatanim ng sama ng loob sa kanila. Babalik rin ako sa amin pero hindi pa sa ngayon na malaki ang tampo ko.

Dahil wala akong magawa ay naisipan kong magbukas ng Facebook account. Mabuti na lang at hindi pinalitan ni Murphy ang password ng account ko nang hinack niya ito. Sa news feed ko pa lang ay nabasa ko na ang kadramahan niya at katulad ng dati ay marami na namang naaawa at sumisimpatya sa kanya dahil kahit nerd at out of style siya kung manamit ay hindi siya binubully at respetado pa din siya ng lahat ng taga sa amin dahil ang kaniyang ama ay isa lang namang Mayor sa buong lugar namin.

Mayaman ang pamilya ni Murphy at sa totoo lang ay gwapo naman siya, lanky ang build ng katawan, matangkad, at natatabunan ng malaking eyeglasses ang malabo niyang mga mata kaya kung titignan ay para siyang mahina at lampa.

Alam sa buong lugar namin ang pagkagusto niya sa akin dahil lantaran ito kung sundan o suyuin ako. Marami ang nagagalit dahil bakit raw na hindi ko bigyan ng pagkakataon si Murphy para maging boyfriend ko? Sayang naman daw at mayaman at makapangyarihan ang pamilya nito.

Ang sagot ko ay wala akong nararamdaman para sa kanya. Hindi ko kayang pilitin ang sarili ko sa taong hindi ko gusto lalo na kung pera lang pala ang habol ko rito.

Mabait naman si Murphy pero hindi ko na talaga kaya ang ginagawa nitong pang-iistalk at ngayon ay minanipula niya ang mga kapatid ko at hinalikan ako na hindi ko ginusto.

Murphy Alesander Aguilar: (1 hour ago)

Ano pa ba ang ayaw niya sa akin? :(

Umabot ng 225 likes ang Facebook status niya sa loob lang ng isang oras at puro hate comments patungkol sa akin ang nabasa ko sa comment section.

Ano pa ba ang bago kay Murphy? Dati na niya itong ginagawa magmula mga bata pa kami hanggang ngayon at isa ito sa dahilan kung bakit hindi ko siya magustuhan dahil may pakiramdam talaga ako na hindi ako magiging ligtas sa kanya.

Nag log-out na ako pagkatapos at itinabi ang cellphone ko sa drawer ng bedside table. Napangiti ako ng maalala ang mga nangyari kanina.

Mabait ang limang magkakaibigan at gumaan ang loob ko nang makasundo ko si Froi. Ilang beses siyang humingi ng tawad sa mga hindi niya magandang nasabi sa akin. Si Sergio naman ay mabait rin at hindi ko inaasahan na kakausapin niya ako at tutulungang magluto ng lunch at dinner namin.

Hindi lang ako gaanong komportable sa pagiging clingy ni Froi pero baka ganoon lang talaga siya; na sweet sa isang babae. Si Sergio ay tahimik lang pero magaling itong makiramdam lalo na ng mapansin niya ang pagkailang ko sa pag-akbay sa akin ni Froi.

That One ThingWhere stories live. Discover now