Chapter 13

7K 333 53
                                    

Alliah

"Kuya Miles, Kuya Luca, Kuya Silas? A-Ano'ng ginagawa n'yo dito?" Gulat kong tanong.

"Bago ka namin sagutin ay lumayo ka muna dyan sa lalakeng katabi mo." may pagbabantang sabi ni Kuya Luca.

Awtomatiko naman akong umatras sa tabi ni George.

Nakakatakot talaga 'tong mga kuya ko! May makasama, makausap, o makatabi lang akong lalake ay parang pinapatay na nila sa kanilang isip. Ito namang sina Debbie at Gidalyn ay halos pasukan na ng langaw ang mga bibig sa laki ng pagkakaawang dahil sa first time nila makita itong mga kapatid ko.

Well, magkakamukha kaming magkakapatid na Lavallee at alam kong nagwapuhan ang dalawang kaibigan kong ito sa mga kapatid ko. Malakas ang genes ng yumao naming Native Brazilian na amang si Nestor Lavallee kaysa sa Half Filipino-Portuguese naming inang si Maria Gracia Lima. 90% ng features ni Papa ay nakuha naming apat na magkakapatid.

"B-bakit nga pala kayo nandito?" tanong ko kila kuya bago pa nila pag-initan si George.

Wala pa akong isang buwan sa apartment ay nagpakita na sila sa akin. Kung balak nila akong iuwi sa bahay ay hindi pa ako handa para doon lalo na't masaya ako kasama si Iall at ang mga kaibigan niya.

Lumapit si Kuya Silas at may lungkot at sakit mula sa mga mata nito. Sa kanilang tatlong mga kuya ko ay siya ang pinakaclose ko.

"Alli, simula nang pinaalis ka namin sa bahay ay sobrang lungkot na doon. Iyong mismong araw din na 'yon ay sobra kaming nagsisisi sa ginawa naming pagpapalayas sa'yo. Hindi lang talaga namin napigilang magalit sa mga ipinakitang ebidensya ni Murphy na gawa-gawa lang pala niya." malungkot niyang saad.

Lumunok ako para pigilan ang emosyon ko. "Kahit nagpakita pa siya ng ebidensya, kung talagang tinuturing n'yo akong kapatid at nagtitiwala kayo sa'kin ay hinding-hindi kayo maniniwala sa mga kasinungalingan niya at ako ang paniniwalaan ninyo!"

"Overprotective lang kami sa'yo, Alliah dahil ikaw ang bunso naming kapatid at wala na ang parents natin. Nang mapaniwala kami ni Murphy na boyfriend mo siya at nagdi-date kayo tapos nakita naming hinalikan ka niya ay sobra kaming nagalit dahil parang sinira mo ang tiwala namin pero nagkamali kami kaya patawad..." hindi makatinging sabi ni Kuya Luca.

Ang panganay naming kapatid na si Kuya Miles ay tahimik lang at mukhang may malalim na inisip.

Ano pa nga ba ang ugali niya? Siya ang mapride sa amin at ayaw aminin ang mga pagkakamali niya. Porke siya ang panganay ay palagi niya na kaming minamanduhan.

"Hindi ba ninyo naisip na baka mapahamak si Alliah sa kalsada noong pinalayas n'yo siya? Anong klaseng mga kapatid ba kayo, ha? 18 years old lang siya at babae pa kaya delikado sa kanya kung nasa labas siya!" Pag-imik ni Gidalyn at nilapitan ako. Sumunod din si Debbie at hinaplos naman ang balikat ko.

Nagpapasalamat ako dahil may mga kaibigan ako na handa akong ipagtanggol kahit pa sa mga kapatid ko na nasobrahan na sa paghihigpit sa akin. Kung itatro kasi nila ako ay parang bata pa rin at walang muwang sa mundo. May sarili na akong pag-iisip at alam ko naman ang tama sa mali.

Hindi nakasagot sila kuya dahil may punto si Gidalyn. Tumingin naman ako kay George at may pag-aalala ang mga tingin niya sa akin. Nahihiya tuloy ako sa kanya dahil pinag-isipan pa siya ng masama ng mga kapatid ko.

That One ThingWhere stories live. Discover now