Chapter 27

5.8K 240 71
                                    

Alliah

"Ano'ng ginagawa mo dito, Kyron?" malamig na tanong ni Sergio kay Kyron at hindi maialis ang sama ng tingin nito.

Hindi nakapagsalita si Kyron at umiwas kaagad ng tingin.

Dahan-dahang lumapit sa amin si Sergio habang nasa likuran niya si Kuya Miles na kaka-out lang sa trabaho nito bilang Clerk sa isang Machinery company.

Kung sasabihin ko kay Sergio na nandito lang naman si Kyron sa bahay dahil umamin ito ng nararamdaman para sa akin ay baka mag-away silang dalawa. Nakita ko na siyang magalit at ayoko nang maulit pa iyon.

At itong si Kyron, bakit siya nagkagusto sa'kin? Pero napapansin ko sa sarili ko na may kaunti akong nararamdamang affection para sa kanya lalo na kapag magkasama kaming dalawa.

Kahit mas matanda siya ng walong taon ay parang magkasing-edad lang kami kung kumilos at magsalita siya. Mabait at maalalahanin, bonus na lang ang pagiging talented sa pagkanta, kagwapuhan at hotness niya.

Sino ba ang hindi magkakagusto sa isang Kyron Thompson?

"A-ah... dinalaw lang ako ni Kyron para kamustahin ako, Sergio," sabi ko at tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa para lapitan si Sergio.

Humalukipkip si Kuya Miles at tinaasan ako ng kilay pero palihim ko siyang inirapan at hindi na pinansin.

"He came to see you and brought food like a suitor, huh?" mariing sabi ni Sergio habang nakatingin sa lamesa na may mga pagkain.

"Umupo ka muna, Sergio at mag-usap kayo ng kaibigan mo. Aakyat na ako sa kwarto ko para magpahinga." Pagpapaalam ni Kuya Miles at tinignan pa ako ng makahulugan bago dumiretso papunta sa kwarto nito.

Walang imik na hinila ako ni Sergio at pinaupo sa sofa. Umupo siya sa tabi ko habang hindi inaalis ang tingin kay Kyron na hindi pa rin nagsasalita.

"Explain yourself, Thompson; I will listen." madiing sabi ni Sergio at inakbayan ako na ikinagulat ko.

Tumingin na si Kyron kay Sergio at sumeryoso ang mukha. "I came here because I confessed my feelings to Alliah and asked if I could court her. Katulad mo ay mahal ko siya, Sergio."

Ako ang kinakabahan sa ginagawa ni Kyron. Kilala niyang magalit ang kaibigan niya tapos ganito pa siya.

Hindi ba siya natatakot na baka masira ang pagkakaibigan nila ni Sergio katulad nang nangyari kay Froi?

Mula sa pagkakaakbay sa akin ay hinapit ni Sergio ang baywang ko at mas lalong inilapit sa kanya.

Nag-iinit ang pisngi ko sa ginagawa niya; idagdag pang ang lakas ng tibok ng puso ko at kinakabahan na baka mag-away sila ni Kyron.

"Pero mahal ko din si Alliah, Kyron at nililigawan ko siya-"

"Manliligaw ka pa lang, Sergio at wala akong ginagawang masama kung liligawan ko rin si Alliah. May the best man win? I'll play fairly, and it's no big deal if Alliah rejects me for you. I just want to show her how much I love her." saad ni Kyron sa seryosong tono.

"She doesn't like or love you, Kyron; you have no chance."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Sergio dahil ito ang unang beses na marinig ko siyang magsalita nang ganito.

Maging si Kyron ay hindi makapaniwala sa sinabi ni Sergio at nagulat ito, pagkaraan ay bigla siyang natawa ng mahina at umiling. "Sergio Zayne Nasir with his egoistic and boastful era? Froi is correct, the moment you court Alliah, you've become a jerk."

Tumiim-bagang si Sergio at hindi nagsalita. Bumuntonghininga ako at inanyayahan na lang siyang kumain kasama si Kyron, pero tumanggi siya at sinabing hindi nagugutom kaya kaming dalawa na lang ni Kyron ang kumain habang napuno ng katahimikan ang paligid.

That One ThingWhere stories live. Discover now