Final Chapter

8.4K 302 96
                                    

Froi

Kaagad kaming sumugod sa ospital nang mabalitaan namin kay Murphy Aguilar na napahamak si Alliah at kagagawan iyon ng mga gagong sina Guil at half brother niya at professor ni Alliah na si Charlie Fernandes. Sinasabi ko na nga ba't hindi talaga mapagkakatiwalaan ang Guilherme na iyon. Malalagot siya sa akin kapag nakita ko ang pangit niyang pagmumukha!

"Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin ang ginawa ng Guil na 'yon noon sa ex-girlfriend niya, Sergio? Hinintay mo pang mapahamak si Alliah bago ka umaksyon!" singhal ko kay Sergio na kanina pa hindi umiimik habang nagmamaneho papunta sa ospital kung saan naka-confine si Alliah at kasama roon si Murphy.

Na-cancel ang mall show namin dahil sa nangyari pero wala na kaming pakialam. Kailangan naming makita at maalagaan si Alliah, gusto ko rin'g i-explain sa kanya ang nakaraan ko, at sana ay matanggap niya na may anak ako sa ibang babae.

"I know, I thought I could protect her, but I neglected my duty as her boyfriend; I'm sorry..." paghingi niya ng paumanhin.

"Huwag mo nang sisihin si Sergio dahil hindi rin naman niya ginusto ang nangyari kay Alliah, Froi. We can't blame each other in this situation; all we have to do is protect and care for her." sabi ng magaling na si Iall.

Tumiim-bagang ako at hindi na umimik. Tama si Iall kahit na gustong-gusto kong suntukin si Sergio dahil sa kapalpakan niya.

Kalahating oras ang nakalipas at nakarating kami sa isang private hospital na pinagdalhan ni Murphy kay Alliah. Pinuntahan namin ang floor at room number ni Alliah na ibinigay ni Murphy at nang pumasok kaming limang magkakaibigan sa confine room ay naabutan namin si Alliah na nakasandal sa headrest ng hospital bed niya habang pinapainom ng tubig ni Murphy.

Kilalang-kilala ko ang lalakeng ito dahil siya lang naman iyong lalake na nakausap ko noon sa bar at mukhang si Alliah ang babaeng tinutukoy niya.

Nang makita kami ni Alliah ay napangiti siya habang si Murphy ay kaagad umiwas ng tingin sa amin. Nakilala niya rin ako kaya hindi ako magawang tignan ng diretso.

Bakit kaya kami ang una niyang tinawagan at ipinaalam ang nangyaring ito imbes na sa mga nakatatandang kapatid na lalake ni Alliah? Lumapit kami sa kanila at si Riosh ang unang nagsalita.

"How are you babe? May masakit pa ba sa'yo? Do we need to get you checked out by a doctor?" nag-aalalang tanong ni Riosh at hinaplos ang braso ni Alliah. May bakas ng sugat ang pisngi niya. Napakuyom ang mga kamao ko sa galit sa dalawang gagong iyon.

"A-ayos na 'ko, Riosh. Iniligtas ako ni Murphy at walang masamang nangyari sa 'kin." sabi ni Alliah at muling ngumiti.

Tumingin kaming lahat kay Murphy. Itong lalakeng ito ang sinasabing stalker at kababata ni Alliah na naging dahilan kung bakit siya pinalayas sa bahay nila ng mga kapatid niya at nakilala si Iall sa cafe shop.

At siya rin iyong lalakeng hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin para kay Alliah na umamin mismo sa birthday celebration ng sarili niyang girlfriend.

"Murphy, right? Thank you for saving Alliah; we will make sure that Guilherme Hussain and Charlie Fernandes are imprisoned forever for attempting to rape her." seryosong sabi ni Sergio kay Murphy.

"It's nothing; I'm glad I'm in school, and I brought my Dad's gun, which is why I shot those two jerks in the shoulders." sabi ni Murphy at nagkibit-balikat.

That One ThingWhere stories live. Discover now