Chapter 35

7.3K 307 194
                                    

Alliah

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang pumasok sa loob ng kwarto ng condo unit ni Riosh sila Sergio, Froi, Iall, at Kyron. Nasa likod nila si Riosh na may sugat sa ibabang-labi at hindi makatingin ng diretso sa akin.

Kinabahan ako nang makita ang nag-aapoy sa galit na mga mata ng apat na magkakaibigan at mukhang alam na nila ang nangyari sa amin ni Riosh.

"Get up."

Natakot ako sa lamig ng boses ni Sergio. Seryoso ngunit nakatiim-bagang siya na tila nagpipigil ng galit.

Bumangon ako mula sa pagkakasandal sa headboard ng kama at umupo na lang sa gilid. Kakagising ko lang at masakit ang ibaba ko gawa ng nangyari sa amin kanina ni Riosh. Napansin ko na wala nang bahid ng dugo ang bedsheet ng kama at ang ibig sabihin no'n ay pinalitan na niya ito habang natutulog ako.

Mas lalo pa yatang nadagdagan ang galit ng magkakaibigan nang makitang suot ko ang t-shirt at itim na boxer shorts ni Riosh.

"Tsk! Alliah, 19 ka lang pero nagawa mo ang bagay na 'yon kay Riosh? Sinabi mo pang ayaw mong magpaligaw sa amin tapos... ganito lang pala ang mangyayari?" sabi ni Froi na halatang dismayado.

Hindi ko naman sila masisisi kung magalit sila dahil may nangyari sa amin ni Riosh. Alam kong gusto nila ako pero nagawa ko pang makipagtalik sa kaibigan nila pero, anong magagawa ko kung nagustuhan ko ang ginawa ni Riosh? Hindi ako nagsisisi na sa kanya ko ibinigay ang virginity ko dahil alam kong tunay at tapat ang pagmamahal niya sa akin.

Huminga ako ng malalim. "19 na ako, Froi. Hindi na ako menor de edad para maging inosente sa ginawa namin ni Riosh. Ginusto ko 'yon at hindi niya ako pinilit."

Tumingin ako kay Iall at umiling siya. Katulad ni Froi ay dismayado rin siya pero nangyari na at wala akong pagsisisi sa ginawa namin ni Riosh.

Biglang tumawa ng mahina si Sergio. "So you don't want me to court you because your next target is Riosh? Bakit, Alliah? Nagsawa ka na ba sa 'kin dahil hindi ako kasing bilis niya para-"

Hindi na natapos ni Sergio ang sasabihin niya nang lumapit ako sa kanya at sinampal siya sa mukha. Nagulat ang mga kaibigan niya sa ginawa ko samantalang umiwas lang siya ng tingin at sinapo ang namumula niyang pisngi.

"Ganyan ba ang iniisip mo sa 'kin, Sergio? Alam mo, tama nga na pinatigil kita sa panliligaw mo dahil nakikita kong hindi na ikaw 'yong Sergio na una kong nakilala. Si Riosh? Pinaparamdam niya sa 'kin kung gaano niya ako kamahal kaya nagustuhan ko siya at ibinigay ang sarili ko sa kanya. Hindi niya ako binabaliwala nang dahil sa isang maliit na bagay!" suminghap ako para pigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.

Lumapit sa akin si Riosh at hinaplos ang balikat ko. Napansin kong dala niya ang biniling take-out food para sa aming dalawa. Inilapag niya ito sa bedside table at niyakap ako. Yumakap ako sa kanya pabalik at isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

Kitang-kita ko ang pagseselos at sakit mula sa mga mata nina Sergio, Froi, Iall, at Kyron pero hindi ko sila pinansin. Ang sakit ng inaakusa sa akin ni Sergio, at hindi ko akalain na mapagsasalitaan niya ako nang ganoon.

"It was Sergio at first, but now it's Riosh? Wow!" sarkastikong saad ni Kyron at tumawa ito.

"Nasuntok na 'ko ni Sergio kaya umalis na kayo dito. I'm not going to the show tonight because I want to be with my girl." madiing sabi ni Riosh sa mga kaibigan niya.

That One ThingWhere stories live. Discover now