Chapter 23

6K 246 34
                                    

Alliah

"Alliah? You're working here?"

Nagulat ako nang makita si Guil at may kasama itong tatlong lalake na kulang na lang ay malusaw ako dahil sa pagkakatitig ng mga ito sa akin.

Tumango ako. "Matagal na din akong waitress sa restaurant na 'to. Ano nga pa lang order n'yo?"

Nilista ko isa-isa ang mga order nila at pagkatapos no'n ay ngumiti si Guil.

"You look great as a waitress; you should be a model instead." aniya.

"Wala akong alam sa pagmomodelo at hindi rin 'yon ang career na gusto ko." sagot ko kahit nahihiya sa pag-iinterogate niya.

"Are you already 19? We're the same age, and by the way, these are my friends." Pagpapakilala ni Guil sa tatlong lalake na halatang rich kid din katulad niya. Binati ako ng mga ito at nakipag-kamay.

Dahil naiilang ako sa kanila ay kaagad akong umalis at nagtungo sa kusina para ipahanda ang mga inorder nilang pagkain. Kay Debbie ko na lang pinaserve ang mga pagkain dahil hindi ko na yata kaya pang bumalik sa table nila Guil.

May iilang tao ang nakakakilala sa akin dahil kadalasan ay kasama ako ng That One Thing sa events at mall shows nila. Idagdag pa na nali-link akong girlfriend ni Sergio kahit ang totoo'y nanliligaw pa lang siya.

Simula nang mangyari iyong insidente sa mall show nila Sergio ay nagkaroon na siya ng bashers at iyon ay ang mga die hard fans ni Froi. Ganoon pa man ay hindi pa rin nawawala ang suporta ng mas maraming tao kay Sergio at kumbaga iyong bad publicity na nakuha niya ay naging dahilan para mas lalo siyang sumikat.

Nakakapagperform na ang That One Thing matapos ng isang linggo nilang hiatus at medyo umaayos na ang kalagayan ni Froi kahit bakas pa rin sa katawan nito ang iilang bugbog na natamo kay Sergio.

Nang ininterview siya ng isang reporter kung ano raw ang naging dahilan ng alitan nila ni Sergio, ang isinagot niya ay may personal issues silang dalawa na normal lang naman daw sa magkakaibigan.

Maraming nakisimpatya kay Froi dahil hindi raw solusyon ang saktan siya ni Sergio kung may personal silang alitan.

Kung alam lang talaga nila ang totoo ay baka bumaliktad sila ng side.

Tuloy-tuloy ang pagtatrabaho ko kahit binabagabag pa rin ako ng sinabi ni Kuya Silas na iuuwi na niya ako sa bahay. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpaparamdam sa akin pero may kutob talaga ako na susulpot na lang siyang bigla sa apartment at kukunin ako.

Huwag naman sana! Hindi pa ako handa para umuwi dahil nag-uumpisa pa lang kami ni Sergio.

Habang naglilista at nagseserve ako ng mga pagkain sa ibang customers ay ramdam ko ang paninitig ni Guil mula sa table nila.

Pamilyar siya sa akin pero hindi ko lang maalala kung saan o kailan ko siya nakita.

"Kilala mo ba 'yong lalakeng 'yon?" malamig na tanong ni George na abala sa pagpupunas ng counter. Si Guil ang tinutukoy niya.

"Kababata siya ni Sergio," sagot ko. Hindi ko na sinabing kapatid din ito ng ex-girlfriend ni Sergio.

Umiling si George at padabog na umalis sa tabi ko. Napabuntonghininga na lang ako.

That One ThingWhere stories live. Discover now