Prologue

160K 2.6K 355
                                    

"WHAT?!" pasigaw kong tanong kay Mama matapos niyang ibalita sa akin ang mga plano niya... para sa aming dalawa. Hindi ko alam kung magwawalk-out ba ako or magte-temper tantrum dahil sa pasabog niyang balita.

"Hija, hindi mo kailangang sumigaw," suway niya sa akin. Para bang expected na rin niya ang reaction ko kaya chill lang siyang manuway at nakaupo lang sa sofa.

Hindi ko pinansin ang pagsuway niya at sunud-sunod na nagpaulan ng mga tanong. "Mama, narinig mo ba mga sinabi mo kanina?" tanong ko habang pinipigilan ang sarili kong mag facepalm sa harapan ni Mama. "Lilipat tayo sa province? Like sa province na hindi guaranteed na may internet connection?!" Napasabunot ako sa buhok ko. 

OH MY GOD.

Papapuntahin niyo ako sa lugar na walang signal ng wifi?! Dahil sabi ng boyfriend niya?

"And you're doing this kasi sabi ng boyfriend mo?!" pasigaw kong tanong.

"Ara..." warning ni Mama.

Mama, sorry. Pero hindi pwedeng i-uproot ko ang buhay ko dahil sinabi lang ng isang lalaki. Paano yung pag-aaral ko? Ang hirap kayang matanggap sa university na pinapasukan ko ngayon! Tsaka yung friends ko! 

Anong ine-expect nila? Madali lang makipag-friends? Madali lang akong makakahanap ng totoong mga kaibigan sa magiging bago kong university? At sa hitsura kong ito, baka iwasan lang nila ako!

Hindi ko alam kung paano ang magiging reception sa akin ng mga taga-probinsya. I mean, I dyed my hair bubble gum pink and I have too many piercings.

Also, may tattoos din ako.

I'm not exactly a 'Dalagang Filipina' type.

"Mama, ilang taon tayong nag-survive ng walang lalaki sa buhay natin! 15 years! 15 years nang wala si Papa! 15 years na pero kinaya naman natin." Napaupo ako sa sofa dahil sa panghihina. "Pero simula nang magka-boyfriend ka... parang wala ka ng sariling desisyon! Oo ka lang ng oo kay Tito Eric!"

"Tama na, Ara," galit at iritang sita niya.

Natahimik ako. Minsan lang ako kausapin ni Mama sa ganyang tono.

Tsaka ano pa ba ang sasabihin ko? Nasabi ko na ang lahat ng pagtutol ko sa rant ko kanina.

"Oo, si Tito Eric mo ang nag-suggest ng paglipat natin. Pero sariling desisyon ko na pumayag."

Ugh. Isa pa 'yun! Ine-expect niya rin bang okay lang sa akin 'yun? Hindi 'yun valid reason! Dahil gusto niya lang? Paano naman yung gusto ko?

"At ikaw lang talaga ang magde-decide para sa atin? Hindi mo man lang ako tatanungin?" Hindi man lang niya hihingiin yung opinion ko? Yung side ko? Kahit for formality lang? "It's my life too, Ma! Maraming magbabago sa buhay ko if ever matuloy yung pagtira natin dun!"

I mean, hindi niya ba naisip na mahirap para sa akin 'to?

"My decision is final, Ara," madiin niyang sabi. "Marami akong kinonsider sa decision na 'yun. Maniwala ka man sa hindi, kasama ka dun, anak."

"But why, Mama?" Hindi ko na napigilang magmaktol na parang bata. "Bakit kailangan nating lumipat sa province?" Hindi ko kasi talaga gets! "If kailangan na talaga nating umalis sa apartment na 'to, we still could live in the city naman!"

"Bata ka pa, Ara. Hindi mo pa maiintindihan ang mga bagay-bagay."

"Ma, I'm pretty sure I'm old enough to know better." I'm sure sasakit ang ulo ko mamaya dahil sa lala ng eye-roll ko. "I'm 19 years old!"

Bumuntong hininga siya bago ginulo ang buhok ko. "You're still my baby and I will do anything to protect you."

Protect me from what?

"Pero Ma--"

Hindi niya ako pinatapos. Obviously.

"Hindi na magbabago ang isip ko. It's final, Ara."

"Ayoko sa province, Mama!" huling hirit ko. 

"Magugustuhan mo rin sa Hacienda Arcangel."

Famous last words. 


---


Author's Note:

New story. Again. I know, I know.

Sorry na, namiss ko lang talaga ang Ilocos Norte at Vigan! Hehe.

Please support this story, tulad ng pagsuporta niyo sa iba kong stories! Susubukan kong iupdate sila habang sinusulat ko din itong HGF.

Matagal akong nawala sa Wattpad, kaya naman I'm a little rusty. Pero namiss kong magsulat! Tulad niyo, wish ko rin na magtuluy-tuloy itong pagsusulat ko.

Ang hirap magka writer's block!

Anyway, kumusta? Excited ka na ba basahin ang chapter 1? :)

- C

PS. Tweet niyo ko! Haha!@/seeyara #HGF

His Girl FridayWhere stories live. Discover now