Chapter 20: Gemini

47.4K 2.1K 451
                                    

CHAPTER 20

"Let me know if I'm doing this right.

Let me know if my grip's too tight.

Let me know if I can stay all of my life."

- Gemini by Sponge Cola


Oh my fucking–Did he just confess?

Akala niya hindi ko siya maririnig pero narinig ko ang mga sinabi niya!

Shit. Act normal lang.

Pero how to breathe normally?

Chill ka lang, Sahara. Baka mahulog ka dito, nakamamatay.

Kailangan kong bumaba nang maayos at lumayo sa kanya. If what he's saying is true, that he is terrified... Well...

Same, bro.

Noong una, ako lang ang nakakaalam ng feelings ko. But now that I know that he feels the same way, too? It's fucking terrifying. I mean, what's gonna happen next?

Do we get to act on it?

Do we tell our parents?

Are we still going to ignore our feelings?

Ang dami pang tanong sa isip ko pero hindi ko alam kung gusto ko silang masagot right now. Dito sa water tower. Habang nandito pa rin siya. Baka maimpluwensyahan ng presence niya ang pag mumuni-muni ko.

Kailangan ko na yatang bumalik sa Manila. Mukha namang mae-expell na ako sa DASU at ayaw na sa akin ni Tito Eric. Safe naman si Mama dito, she's taken care of. Malapit na akong mag-twenty, I take care of myself. I can handle it on my own.

Might as well leave, right?

May pwede naman akong takbuhan sa Manila. Hindi naman ako ipagtatabuyan nina Hiro at Dash at pababalikin dito sa Hermosa. Baka nga itali na nila ako sa Manila para hindi na ako makabalik dito.

Tama.

Pero paano si Apollo?

Shit. Hindi ko naisip na mas magiging magulo ang lahat kapag pareha na kaming may nararamdaman para sa isa't isa. I totally get it why he's freaking terrified.

Because I am, too.

Napatingin ako sa kabuuan ng Hermosa at tinignan ang magandang tanawin. Kahit na shitty ang ibang tao rito, marami rin naman akong nakilalang mabubuting tao. May mga nakilala akong pwede kong maging kaibigan for life kung pipiliin kong mas papasukin sila sa puso ko.

Sobrang ganda ng probinsyang ito pero sa loob nito ay mas maraming makakapagpahiling sa'yo na mapabilang dito. Mas titimbang ba ang mga masasamang tao para mas piliin kong umalis dito? Can I leave Leila, Everly and Apollo?

Sa totoo lang, hindi ko alam. Hindi ako makapag-decide kaagad.

I need to be left alone. Gusto kong mapag-isa na lang sa kwarto ko muna.

Biglaan akong tumayo at tinanggal ang earphones sa magkabilang tenga ko. Humarap ako sa may hagdan at napatigil. Nakatayo si Apollo sa tabi ng hagdan, para bang nagsilbi siyang harang dito. Halos magkalapit lang kami dahil sa makipot na metal platform na nakapalibot sa water tower.

I looked up at him and saw him watching my every move.

Parehas kaming napatalon sa gulat nang may malakas na kumalampag sa bakal na tinatapakan namin. Parehas kaming napatingin dito.

His Girl FridayWhere stories live. Discover now