Chapter 17: Migraine

44.1K 1.8K 456
                                    

CHAPTER 17

"Oo nga pala, hindi nga pala tayo.

Hanggang dito lang ako, nangangarap na mapa-sayo.

Hindi sinasadya na hanapin pa ang lugar ko.

Asan nga ba ako? Andiyan pa ba sa iyo?"

- Migraine by Moonstar 88


Two weeks na kaming hindi nagkakausap ni Apollo. Nagkikita naman kami araw-araw pero hindi kami nagpapansinan. I don't know if our parents noticed dahil wala naman silang sinasabi. Hindi nila kami sinisita sa pagiging cold sa isa't isa.

Sa loob ng two weeks na 'yun, tahimik ang buhay ko. Hindi ako pumupunta sa kung saan-saan. Hindi rin ako pumapasok sa opisina niya. Kinaya niya namang magtrabaho noon na walang assistant, kakayanin niya 'yan nang wala ako.

Nakakulong lang ako sa kwarto ko most of the time. Wala akong ginawa kundi magsagot ng homeworks, manuod ng movies or TV series sa Netflix, magsulat ng stories, mag-ubos ng papel kaka-sketch, mag-lurk sa social media o di kaya naman ay tumulala lang sa kisame.

Every morning, nagsasabay pa rin kaming pumasok sa university. Hindi ko alam kung bakit pa ako sumasabay sa kanya dahil pwede naman akong sumabay sa service ni Leila. Hindi ko rin maisip ang dahilan kung bakit hinihintay niya pa rin ako sa parking area ng Casa Arcangel tuwing umaga kapag may pasok kami. Same thing sa university parking area.

Hindi ko maiwasang malungkot kapag naiisip ko na we were back to square one. Walang pansinan matapos ng isang gabi at umaga na nag open-up kami sa isa't isa at nag-usap about our dreams and future plans. Matapos ko siyang i-cheer up, mag-share ng mga personal information and frustrations sa buhay... Ganun-ganon na lang 'yun sa kanya?

Kayang-kaya niya talaga akong hindi pansinin at kalimutan. Wala lang sa kanya 'yung mga gabing sa cabin niya kami natulog. Pati na rin 'yung hinayaan niya akong yakapin ko siya nung nasa boardwalk kami ng Lake Artemis. Lalo na 'yung nagtabi kami sa kama at hinayaan niya akong umunan sa braso at dibdib niya.

Nakakainis. Pa-fall talaga siya.

Pero bakit ganun? Alam ko naman na may pa-fall tendencies siya pero hinahayaan ko pa rin ang sarili kong mahulog sa bitag niya. Alam ko namang mapapahamak ako pero sumisige pa rin ako.

Minsan talaga mahirap maging matapang.


Napatigil ako sa paglalakad sa gitna ng hallway nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng smartphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ng skirt ko at binasa ang bagong text message na natanggap ko.


From: Leila Cruz

Sabay ka na sakin pauwi.


Napakunot ang noo ko. Na wrong send ba sa akin si Leila o ako talaga ang inaya niyang sumabay sa kanya pauwi? Sa tagal ko ng nasa Hermosa, ngayon niya lang ako naisipang yayain na sumama sa kanya pauwi.

Bakit? reply ko kay Leila.

Wala pang ilang minuto ay may sagot na ito sa akin.

May tsismis. Nagkabalikan na daw si Sir Apollo at Miss Maya.

Napatitig ako sa phone ko at napakagat ng labi. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa bagong kumakalat na tsismis. May basehan ba para pag-usapan ito?

His Girl FridayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon