Chapter 34: Mata

27.2K 937 158
                                    

CHAPTER 34

"Nakita ko na lahat ito, pinahihiwatig ng mata mo."

- Mata by Mojofly


She looked dead.

A walking dead body, talking and faking a smile... Kaibahan niya lang sa isang zombie ay hindi siya violent at umaatake ng tao. She might seem like she's a living, breathing human-being but I know she's not the same girl I've become friends with.

She looked like a shell of the girl she used to be.

Kahit na kakatapos lang ng pasko at tuluy-tuloy pa rin ang masayang atmosphere sa hacienda, hindi pa rin nawawala sa kanya ang lungkot. Wala siyang kabuhay-buhay, binubuhos niya ang oras niya sa pagta-trabaho. Sobrang busy niya sa pagta-trabaho.

Kahit tanghaling-tapat, tumutulong siya sa mga helpers ng Casa at mga trabahador ng hacienda. Hindi naman nila siya matanggihang tumulong dahil hindi siya pumapayag na wala siyang ginagawa.

Kanina ko pa siya pinagmamasdan dito habang nakatambay ako rito sa receiving area, nakaupo sa malaking windowsill. Kahit hindi ko siya pinapansin, hindi ibig sabihin nun ay hindi ko sinusubaybayan ang mga kilos niya. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na dahil 'yun sa takot na any moment ay pwede niya kaming ilaglag ni Apollo.

Pero alam ko naman ang totoo. Binabantayan ko siya dahil nag-aalala pa rin ako sa kanya, sa mental, emotional, at physical health niya.

Makikipag-ayos na ba ako sa kanya? I still don't get it bakit gusto niyang hindi sampahan ng kaso yung parents niya pero seeing her unravel a few days ago, hindi ko mapigilang isipin na wala na siyang ibang tao na malalapitan.

Sure, she gets to eat and sleep here because she's under the protection of her boss. Hindi na niya kinakailangang bumalik sa bahay nila. Siguradong-sigurado ang kaligtasan niya dito sa Casa Arcangel.

Pero sinong nakakausap niya kapag nakakaramdam siya ng matinding lungkot? Kaninong balikat siya umiiyak ngayong wala na talaga sila ni Ysmael? Sinong naniniguro na okay talaga siya?

May kasama ba siyang mag-celebrate ng pasko? May makakasama ba siya sa bagong taon?

Kahit isa, meron ba siyang nalalapitan para makausap?

For a short period of time, naging mag best friends kami ni Leila. A part of me wants to hug her and show her that she has someone who supports her... but I still can't get past her threatening to expose my real relationship with Apollo.

It was a betrayal that I really didn't see coming.

She knows I'm loyal to a fault. Alam niyang ipaglalaban ko ang mga taong mahalaga sa akin kahit hindi nila sabihin sa akin na gawin ko. And for her to do that, parang sinampal niya sa akin yung friendship namin.

But I've never seen someone look this broken.

She's so thin... and pale. It almost looked like she's sick. Parang isang tulak mo lang sa kanya ay bibigay ang katawan niya. Nawala man ang mga sugat at pasa niya, gumaling man ang mga nabali niyang buto... sobrang obvious na hindi pa siya nakaka-recover sa emotional trauma na dinanas niya.

Seeing her like this, iintindihin ko pa ba ang pride ko?

Fuck it.

Pababa na sana ako kinauupuan ko nang biglang nag-ring ang phone ko, indicating someone wants to have a Facetime call with me.

Napatigil ako nang makita ko kung sino ito.

Sari Israel

Hindi ko sinagot ang tawag niya at hinayaan ko lang na mag-ring ito. Every time na titigil ang pag-ring nito, uulit uli ito sa pagtunog matapos ng tatlong segundo. Nakalimang tawag siya bago permanenteng natahimik ang phone ko.

His Girl FridayOn viuen les histories. Descobreix ara