Chapter 27: 'Di Na Muli

37.5K 1K 201
                                    

CHAPTER 27

"And dami daming bagay na hindi naman kailangan,

Kung pwede lang bawasan natin ang mga tampuhan."

- 'Di Na Muli by Itchyworms


"Balita ko, hindi ka rin pumasok kanina," bati ko kay Everly nang sumakay siya sa front seat ng truck ko. Pagkaalis ko ng Casa Arcangel kanina ay tumawag muna ako sa kanya para yayain sana siyang mag cut-classes. Akala ko matagal-tagal na pangungumbinsi pa ang gagawin ko para pumayag siya. 

Turns out, I didn't have to. Everly was already cutting classes pero nasa library siya nakatambay.

Reading her textbooks.

Kaya nung tinawagan ko siya at niyayang gumala, nagulat ako nang sabihin niyang ready na siya. Agad-agad.

"Persona non grata ako sa bahay namin," sagot nito habang nagsusuot ng seatbelt. Nakakunot pa ang noo nito. "Gusto mo ba ako na mag-drive? Kaya mo na ba?" sabi nito habang nilalagay ang kanyang backpack sa sahig ng kotse.

I just rolled my eyes at her. Pero na intriga talaga ako dun sa 'persona non grata' thingy na sinabi niya. "Persona non grata ka sa bahay niyo? Why? What's going on?" 

"I broke off my engagement with Reed," she said with a shrug.

Teka, nabingi yata ako.

"What?" pasigaw kong tanong, hindi makapaniwala sa narinig.

I mean, I'm kinda happy for her but I thought their arrangement is working for the two of them? Siya pa ang nagsabi sa akin nun, although I was doubting her talaga and I hate that that was happening to her. But she kept on insisting na okay sa kanya 'yung set-up nila.

"Yup," she answered with a loud pop. "

"Why?" Napakamot ako sa ulo dahil sa pagtataka. "I mean, I'm happy for you. But why now? Ilang taon na rin itong arrangement niyo."

Huminga siya nang malalim at ngumiti. I've never seen that gorgeous smile before. She looked free and happy. Para bang ngayon lang siya nakahinga ulit. "I had enough of his shit."

I miss feeling that kind of smile. And the freedom that comes with it. Lately, parang lagi na lang akong umiiyak. I miss my old self. I miss being a kid... I miss being care-free. I'm still me but I'm a little guarded now. Sa dami ba naman ng sikretong dapat kong itago sa lahat, paano pa ako magpapaka-carefree?

At isa pa, may kailangan akong pangalagaan na pangalan at pamilya dito sa Hermosa. Kapag nagkakamali ako, I own up to it. Hindi ko idinadamay ang mga Arcangel. Kung ano man ang maling nagawa ko, hindi ko isinisisi sa iba.

Well, except for Maya. Malabong mangyaring patawarin ko siya dahil sa mga sinabi niya tungkol sa Mama ko. Knowing my mother's history with abuse, mas lalo akong naiinis kapag naiisip kong bumalik na naman si Maya. Paano kapag nalaman niya lahat ng sikreto namin? Pwedeng-pwede niya ipagkalat 'yun sa buong Hermosa. 

Pero dahil nag promise ako kay Mama at Tito Eric na hindi na ako gagawa ulit ng gulo, hindi ko sinugod si Maya kanina nang makita ko siyang kausap ang boyfriend ko. 

Kahit na ganito ako, I'm really fucking trying.

I know its naive for me to think na kaya kong paghiwalayin ang dalawa, being associated with the respected Arcangels and being true to myself. But what could I do? I'm trying my fucking best but I don't want to lose myself, too.

His Girl FridayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon