Chapter 6: Superproxy

51K 1.6K 166
                                    

CHAPTER 6

"Hindi na dapat maghirap. Sa iisang iglap ang buhay mo ay sasarap.

'Wag nang mag-atubili kumuha ka ng Superproxy." 

- Superproxy by Eraserheads


From: Dash Reyes 

Musta, Ara? Walang paramdam?


From: Hiro Fujiwara

tol, balita sayo?


Napangiti ako nang mabasa ko ang messages nung dalawa kong kaibigan sa Manila. So far, sila palang ang nakaka-miss sa akin. In-expect ko naman 'yun dahil silang dalawa ang pinakamatagal ko ng naging friends.

Since first year highschool kasama ko na yung dalawa. Grade school palang bestfriends na sila pero tinanggap nila ako sa friendship nila at never kong naramdaman maging out-of-place or left-out kapag kasama sila.

Actually, dahil sa kanilang dalawa kaya ako 'fiercely loyal' sa friends ko. Kahit na anong tsismis ang nili-link sa aming tatlo, hindi nila ako binitawan. Lagi nila akong pinagtatanggol sa mga naninira sa akin. Dahil sa kanila, trained akong depensahan ang sarili ko sa ano mang bullshit na ibigay sa akin ng mga kaaway ko at ng mga lalaking gusto lang maka-score.

Kaso... sa kanila ko rin natutunan mga kalokohan ko.

Dash influenced me to get tattoos. May half-sleeve siya sa kaliwang braso tapos full-sleeve naman sa kanan. May ilan siyang tattoos na ako ang nag-design, meron din ilang designs si Hiro.

I have five tattoos, much to mama's dismay.

And si Hiro, siya nag-influence sa akin magpa-piercing. He has seven piercings. Four for his ears, tig-dalawa sa magkabilang tenga. Isa sa left eyebrow niya, isang septum piercing, tsaka somewhere sa may nether region.

Ayoko na isipin kung saan, paano at bakit. 

I have six piercings. Tatlo sa right ear, dalawa sa left ear at yung tongue-piercing ko. Hindi na ako pinagalitan ni mama nung nalaman niya dahil enough na punishment na daw yung ilang linggo na hindi ako makakain nang maayos.

Nag-reply ako sa kanila dahil baka sugurin nila ako dito. Gustuhin ko man silang pumunta dito, ayoko namang ma-hassle pa sila. Parehas kasi silang may summer job.


To: Dash Reyes, Hiro Fujiwara

Hi, guys! I'm okay here! 

Miss ko na kayo pareho!


From: Dash Reyes

Di ka macontact sa FB.


From: Hiro Fujiwara 

Miss ka na din namin!

Naghasik ka na ba ng lagim jan?


I rolled my eyes at their replies. Si Hiro ang promotor ng kalokohan kaya naman hindi na ako nagulat sa reply niya. Si Dash naman, tamed version ni Apollo. Medyo broody at 'man of few words'. Pero dahil kaibigan niya ako, nakikita ko ang madaldal side niya.

Speaking of Apollo, may kumakatok na naman sa bedroom door ko. Alam kong siya 'yun dahil kung si Leila 'yun, mauuna muna niyang tawagin ang pangalan ko bago kumatok. Tsaka hindi umuwi last night si Mama at Tito Eric.

His Girl FridayWhere stories live. Discover now