Chapter 21: Sundo

50.3K 1.8K 221
                                    

CHAPTER 21

"Asahan mo mula ngayon, pag-ibig ko'y sa'yo."

- Sundo by Imago


Apollo and I decided not to go home at sa cabin na lang niya mag-stay. Bukod sa galit ako sa Dad niya at nagtatampo ako sa Mama ko, ayokong magpaliwanag pa sa kanila kung bakit kami mukhang basang-sisiw. Mas pipiliin ko na ang awkward situation na kinalalagyan ko ngayon, kesa ipaliwanag sa kanila ang ginawa namin ni Apollo sa Artemis Lake.

"Wala ka na bang ibang damit na pwede kong suotin?" tanong ko kay Apollo habang nagdadalawang isip na lumabas sa CR.

"Anong problema?" tanong nito, medyo malapit ang boses niya. Siguro ay nasa harapan ito ng pinto ng CR.

I sighed. Alam kong sinigurado niya na hindi ako maiilang sa suot ko. Pinili niya talaga na covered ako, he chose a grey boxer shorts and a blue cotton shirt for me. Mas may coverage pa ito kesa sa mga sinusuot ko usually.

I'm sure nakita na ako ng buong Hermosa at ni Apollo na mas kaunting suot na damit.

Kaso kasi... this time, wearing his clothes feels too revealing.

Siguro kasi ay nagkaaminan na kami ng feelings. Idagdag pa ang confrontation namin ni Maya at ang nangyaring sisihan sa amin ni Mama at Tito Eric sa front steps ng Casa Arcangel. Nagbagsakan na ang ilang layers ng walls ko kaya kahit ang proteksyon na dala ng kanyang mga damit ay kinakapitan ko ngayon. Ito na lang ang huling pumo-protekta sa akin.

Masyado akong open sa lahat ng vulnerabilities ko ngayon.

"I don't know. It's too..." hindi ko natapos ang sagot ko pero rinig pa rin ang pag-aalangan ko.

"Are you scared of me, Princess?" tanong nito, nang-aasar.

Napalabas ako ng CR nang wala sa oras habang nakasimangot. Agad na tumambad sa akin ang nakangisi niyang mukha kaya lalo akong na triggered sa gwapo niyang mapang-asar na mukha. Muntik pa akong bumalik sa loob dahil hindi ako sanay sa pilyong Apollo na pinapakita niya ngayon. Nakakakilabot na nakakakilig na ewan.

Nakakakilabot kasi ang weird.

Nakakakilig kasi sa akin lang siya ganito.

Nakakaewan kasi... si Apollo ito! 'Yung kaaway ko, ' yung kontrabida sa buhay ko at 'yung lalaking irita sa akin at vice versa.

Pero ngayon ang laki ng pinagbago niya sa akin... kaya nakakatuwa rin. He's kind of mine now. Hindi pa ako sure. I need to ask him kung ano nga bang score between us dahil imbes na pag-usapan namin ang estado namin nung oras na nagkaaminan na, we chose to make-out.

I know. Priorities.

"You're frowning again," nakangising sabi nito bago pinitik ang noo ko. Sasapakin ko sana siya nang hulihin niya ang dalawang kamay ko at hinila ako papunta sa kanyang kama. Hindi na ako pumalag at humiga na lang sa tabi niya.

Pinanood ko lang siya habang kinukumutan niya ako. Napangiti ako nang matauhan ako. Tinototoo niya ba ang nickname niya sa akin? Kaya niya ba ako inaalagaan na parang prinsesa ngayon?

"Tama na 'yan," sita ko sa kanya. "Tabi na tayo."

Hinila ko ang braso niya at dahan-dahan siyang sumunod sa pagtabi sa akin. Agad kong ibinalot sa balikat ko ang braso niya at ginawang unan. I'm face first with his underarm again and I'm loving it.

He's shirtless and he's just wearing a plaid pajama bottom. And it's riding freaking low. Mabuti na lang at nakahiga na kami at matatakpan na ito ng comforter niya!

His Girl FridayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon