Chapter 5: Bagsakan

48.1K 1.8K 543
                                    

CHAPTER 5

"Magbabagsakan dito in 5, 4, 3, 2..." 

– Bagsakan by Parokya Ni Edgar, Francis Magalona & Gloc 9


Hindi nagpakita sa akin si Apollo nung dumating siya sa Casa Arcangel. Instead, si Leila at isa pang kasambahay ang inutusan niyang magdala sa kwarto ko nung stocks ng sanitary pads, pantyliners at feminine wash na pinabili ko sa kanya.

What a coward.

Sinabi ko 'yun kay Leila at napailing siya, sabay explain na may lakad daw kasi si Apollo at nagmamadaling umalis.

"Saan naman 'yun pupunta?" pagtataka ko. Masyado pang maaga kung may pupuntahan siyang date or party.

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko rin alam kung bakit siya umalis nang maaga. Pero baka hindi 'yun umuwi mamaya. Friday kasi ngayon."

Napahinto ako. "Teka lang. May field party ba ngayon?"

Tumango siya bago nagpatuloy sa banyo ko para ayusin ang mga girly stuff ko. "Meron. Last party daw bago magpasukan next week," narinig kong sagot niya.

Ugh. Ayoko munang isipin ang pasukan! I don't want to dread it this early. 

Sinundan ko siya sa loob ng banyo. "Why didn't you tell me? Kailangan nating pumunta dun!" Hinila ko siya palabas hanggang sa makarating kami sa labas ng kwarto ko. "Mag-aayos na ako kaya mag-ayos ka na rin. Pupunta tayo ng field party."

Napatingin siya sa orasan at nagtatakang tumingin ulit sa akin. "10 PM pa ang start nun."

My God, she has a lot to learn. "7PM na, girl! Kailangan ko ng maraming time para makapag-ayos! Tonight is going to be my first appearance sa social scene ng Hermosa."

I know. I sound so dramatic even to my own ears. But... kebs.

Napakunot ang noo niya. "Hindi na ba masama ang pakiramdam mo? Diba may cramps ka pa?"

Nginitian ko siya. "Meron pa, pero dahil sa'yo nakainom na ako ng gamot!" 

"Pero paano kapag sinumpong ka dun?" nag-aalala niyang tanong.

I shrugged. "There's nothing alcohol can't cure, right?"

Medyo napasimangot siya. "Hindi ako umiinom."

"We'll remedy that." I'll let her take a sip lang kung ayaw niya talaga. Pero ako? I'm gonna drink a lot. I'm not a lightweight kaya wala siyang dapat ipag-alala.

I shoo-ed her. "Go! Mag-ayos ka na! Balikan mo ako dito mamayang..." Tinignan ko ang oras sa may grandfather clock sa may hallway. Past 7 na... "10 PM. G?" I asked her. Pwede na ang 3 hours prep para sa akin.

Hindi pa rin umaalis si Leila at nakita ko ang takot sa mukha niya. "Baka magalit sa atin si Sir Apollo."

Humanda sa akin 'yang Apollo na 'yan. Hindi naman matatakot si Leila na pumunta sa isang party na invited din ang mga schoolmates nila kung naisip ni Apollo na i-invite din si Leila. 

Tapos nandito na siya kanina at hindi niya pa naisipang isama ako or i-invite din.

Well, malas niya. There's nothing that could stop me from crashing their Field Party.

***

I gasped when I saw Apollo and his friends. "Isn't that Reed? Akala ko ba mahinhin 'yung girlfriend niya? Mas malala pa 'yan manamit sakin!"

I'm wearing a white tank-top, an Aztec-printed Kimono cover-up and a black mini-skirt. While Reed's girl is wearing a bikini top and short denim shorts! Yes, may emphasis sa short.

His Girl FridayWhere stories live. Discover now