Chapter 24: Kahit Pa

51.2K 2K 327
                                    

CHAPTER 24

"Bigla lang titigil ang mundo at ang lahat ay maglalaho."

- Kahit Pa by Hale


"Hey, Leila!" bati ko sa kaibigan ko nang makita siyang mag-isang nakatambay sa university cafeteria. Sa harapan niya ako pumwesto at umupo, nilapag ko na din sa mesa ang mga gamit ko.

Napatalon siya sa gulat at nanlaki ang mga mata. "Ara!" gulat niyang bati.

Napansin kong nag-focus siya sa likuran ko. Saglit lang ito pero obvious na meron siyang sinisenyasan... parang may pinapaalis or hindi pinapalapit. And it looked like she's panicking.

Hindi marunong mag cover-up ng panic itong kaibigan ko. I have to teach her the art of the pokerface. But first, I need to know kung sino ang pinapalayo niya sa amin.

"Sinong pinapalayo mo?" tanong ko sa kanya bago ipinatong sa mesa ang parehong siko ko.

Nanlaki pa lalo ang mga mata ni Leila. "Wala!" mabilis niyang sagot.

I grinned at her. "You need to learn how to lie and you need to work on your pokerface."

"Hindi ako nagsisinungaling," pagtatanggi niya, medyo tumaas ang tono ng boses. May chance pa sanang maniwala ako kaso tumingin pa ulit siya sa likuran ko. Napangisi ako at akmang lilingon nang bigla niya akong hinawakan sa makabila kong balikat para mapigilan ako sa pag-ikot.

"Nag-drop si Maya!" bigla niyang sabi. 

Nagulat ako sa sinabi niya at napanganga. Napabitaw siya sa akin at mukhang nagulat din sa sinabi niya. Naalala ko tuloy ang rason ng pangungulit ko sa kanya in the first place. Lumingon ako uli at na-disappoint dahil wala naman akong nakita kundi mga kapwa estudyante namin na mukha namang walang pakialam sa amin.

Humarap uli ako kay Leila. "Mamaya na natin pag-usapan si Maya," sabi ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay. "Sagutin mo muna yung tanong ko kanina. Sino yung sinisenyasan mong umalis kanina?"

Her shoulders sagged in defeat. "Wala lang 'yun," sagot niya.

"Hindi magiging ganyan ang reaction mo kung wala lang 'yun!" natatawa kong sabi sa kanya.

And just like that, an idea popped into my head. "Oh my God! May boyfriend ka na, Lei? Bakit hindi mo sinasabi!"

Namula ang buong mukha niya pati na rin ang kanyang tenga at leeg. "Wala akong boyfriend!" she said, shaking her head vigorously.

Napaka-defensive ni ate girl.

Natawa ako sa fail na pagde-deny niya. "If he's not your boyfriend, yet. Kebs lang! Pero sure na akong lalaki 'yun!" May naaamoy lang talaga ako na lalaki nga 'yung pinalayo ni Leila. Grabe kasi ang kanyang pagpa-panic... Feeling ko ganun ang magiging hitsura ko kapag may nakahuli sa amin ni Apollo na naghaharutan or nagme-make out. 

Sumimangot si Leila. "Ara, wala lang talaga 'yun!" pagpipilit pa niya.

"Kung wala lang talaga 'yun, hindi mo siya papalayuin no," pambabara ko sa kanya. Bumuntong-hininga lang siya at umiling. Mukhang hindi ko ito mapapaamin. Titigilan ko siya for now.

"Fine. Next time na kita kukulitin about your boytoy," I said, rolling my eyes. "Ikwento mo na yung kay Maya."

"Papalampasin mo?" hindi makapaniwala niyang tanong. Mukhang kilalang-kilala na ako ni Leila. Kapag alam niyang gusto ko talagang malaman ay nangungulit ako.

I shrugged, letting her get away this time. Mukhang stressed na stressed siya, e.

"So, nag-drop si Maya?" I prompted her as I leaned back.

His Girl FridayWhere stories live. Discover now