Chapter 30: Alipin

37.1K 1.1K 317
                                    

CHAPTER 30

"Nais ko sana iparating na ikaw lamang ang siyang aking iibigin."

- Alipin by Shamrock


Isang linggong pahinga.

He really gave me one and I am thankful for that. No, hindi ito 'yung mga panahong nagpapapilit or lambing lang ako. No, hindi ito 'yung panahon na secretly iniisip ko ay hindi niya dapat ako binigyan ng space tulad ng sinabi ko. No. I really needed it... and I used it wisely.

Or so I think.

Tumulong ako sa preparation ng 6th anniversary celebration nina Mama at Tito Eric. Kahit Isang buwan na akong nahuli sa mga nagawa na nilang preparations, Mama welcomed my artistic vision for the decoration and the catering. Even Tito Eric, nagustuhan niya ang pag-aasikaso ko ng party nila. He even wanted me to handle our parties for Christmas and New Year's Eve celebrations!

Well, siguro kaya rin sila natutuwa sa pagiging busy ko ngayon ay dahil wala akong nasasangkutang gulo. Payapa ang buhay naming lahat dahil ang 'resident troublemaker ng Hermosa' ay nakapirmi lang sa Casa Arcangel at walang balak makipaghalubilo sa ibang tao o maghasik ng lagim sa labas at loob ng hacienda.

Win-win situation para sa lahat.

"Anak, kain ka muna dito. Kanina ka pa nakasubsob diyan sa laptop mo," sita sa akin ni Mama.

Nginitian ko siya. "Teka lang po, Mama. Matatapos na po ako rito," sabi ko sa kanya bago ibinalik ang atensyon sa aking laptop. I was checking my paid orders from a high-end party needs store sa Manila. Mahirap na, baka may hindi pala makakarating na decorations today for the party.

Yes, today is also the today of the party.

Nagulat ako nang biglang may naglapag ng plato sa tabi ko. Tinitigan ko lang ang mga kamay na nagsisilbi sa akin habang dahan-dahan nitong inaayos ang set-up ng table para sa akin.

"Sit here," narinig kong sabi ni Apollo.

Tumingala ako sa kanya at nakita siyang nakahawak pa sa sandalan ng upuan sa tabi ng pwesto ko.

Is he making me sit there?

"Ara, anak. Sige na. Kumain ka na," sabat ni Mama. Napagitla ako at napatingin sa kanya. Shit. I forgot she's still here. Isang salita lang ni Apollo, nawala na naman ako sa sarili ko!

I looked at him again. What the fuck are you doing?

I don't know if he understood what I was trying to say with my annoyed look. Iniwasan niya ako ng tingin, instead he put his attention to my mother. "Kumusta naman ang assistant ko, Tita? I hope she didn't cause you any headaches for the past week?"

Shit. He's reminding me that today's the last day of our supposed break.

"Oh, my goodness! Nakalimutan ko nang assistant mo nga pala si Sahara!" gulat na sabi ni Mama. "I hope wala naman siyang naiwan na trabaho? Hindi naman siyang hindi natapos?"

I held back a groan. Meron pa ba talagang naniniwala na nagtatrabaho ako kapag kasama ko si Apollo sa office niya? If we're not making out in his office, inaayos ko lang naman yung filing system ng records niya! Ni ayoko ngang ipagtimpla siya ng kape.

Tapos ipagpipilitan niya sa iba na assistant niya ako? Wow.

Well, not everyone knows what we're really doing kapag kaming dalawa lang. I just can't believe that there are people who are thinking na kakayanin kong pumirmi sa iisang lugar bilang isang assistant ni Apollo.

His Girl FridayWhere stories live. Discover now