Chapter 11: Akin Ka Na Lang

53.1K 1.8K 301
                                    

CHAPTER 11

"Akin ka na lang. Iingatan ko ang puso mo."

- Akin Ka Na Lang by Itchyworms


Hindi ko akalaing manggagaling sa akin ito, pero tuwang-tuwa akong may pasok na. Sanay naman ako gumimik pero parang wala akong pahinga nitong weekend dahil maraming ganap sa social circle ng Hermosa. Walang kapaguran ang mga tao dito.

Nag-pass ako nung niyaya ako ni Everly na pumunta ng The Circle. Ginusto ko na lang mag-chill last night kesa maki-party ulit. At isa pa, nauubusan na ako ng ideas. Wala pa akong naiisip na eskandalong gagawin na ikakagalit ni Apollo.

Tingin ko naman, aabutin ng two-three weeks bago sila makaget-over sa paghalik ko sa leeg ni Apollo. 'Yun lang, hindi ko alam kung ano ang eksenang sasalubong sa akin sa uni. For sure kumalat na sa kanila ang nangyari nitong weekend.

Buti na lang yung taong hinalikan ko sa leeg, kebs lang.

"Hindi mo yata kasama yung chaperon mo," sabi ng lalaki sa tabi ko. Napalingon ako sa kanya at napasimangot. Hindi ko siya kilala at hindi siya familiar sa akin.

Gwapo but he gives me the creeps.

"Do I know you?" I asked after ko siya tignan from head to toe.

He offered me his hand pero tinignan ko lang ito. "Hi, Sahara Israel. I'm Miguel de la Cruz," he said with a closed-lip smile.

He dropped his hand when I returned my attention to his face. "I don't remember talking to you."

This time, he flashed me his pearly whites. Halatang nagpapa-cute. Walang dating. "We haven't. That's why I'm introducing myself now, Sahara."

I frowned. Maling-mali sa pandinig ko na tawagin niya akong 'Sahara.' Siguro nasanay lang ako na si Apollo ang tumatawag sa akin nun. "Don't call me 'Sahara.'"

Hindi nawala ang ngiti niya. "Should I call you 'Ara' instead? I heard only your friends call you 'Ara.'"

Hindi ko sinuklian ang ngiti niya. Unti-unti na akong nakakaramdam ng irita at mas nangingibabaw na ito sa creeped-out feelings ko. "I'm undecided, actually. Just call me, I don't know, 'Israel.'"

"Nice to meet you, Israel."

His emphasis on my surname grated on my nerves. I moved away from him and started to walk away. "Sure, same. I'm sorry, though. May class pa ako. Bye."

Wala pa yata akong sampung metro na nakakalayo sa kanya ay biglang may humila sa akin. Muntik ko na itong masuntok pero napigilan ko ang sarili ko. Lalo nang mapansin ko ang pag-aalala sa mukha ni Leila. 

Hinawakan niya ako nang mahigpit sa braso at hinila. Mabilis kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa may university cafeteria. "Bakit mo kausap si Miguel de la Cruz? Ginugulo ka ba niya?" tanong nito.

Napakunot ang noo ko sa pagtataka. Bakit ganyan siya mag-react? "No. Why?"

"Kaaway niya si Sir Apollo," pabulong nitong sagot nang makaupo kami sa isang vacant table.

What she said surprised me. "Kaaway? Si 'Mr. Nice Guy' may kaaway?"

Tumango ito. "Oo."

"Kaya pala, he's giving me the heebie jeebies e." Napasandal ako at napailing. Creepy guy is creepy nga. "Sabi ko nga tawagin na lang niya akong Israel. I don't want him calling me by my name. Especially, Sahara."

Napatigil si Leila at biglang ngumiti. "Si Sir Apollo lang ba pwede tumawag sa'yo ng Sahara?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Leila..."

His Girl FridayWhere stories live. Discover now