Chapter 19: Tadhana

45.1K 2.1K 446
                                    

CHAPTER 19

"Ba't 'di pa sabihin ang hindi mo maamin? 

Ipa-uubaya na lang ba 'to sa hangin?"

- Tadhana by UDD


I can tell this day is gonna fuck me up in the ass.

When I woke up earlier, it felt like someone's jackhammering inside my head. My eyes were crusty because apparently, I can't fucking sleep without exhausting myself from crying.

God, ang pathetic.

Ganito ba kapag nagkakagusto ka? Hindi maiiwasan magkaroon ng nights na you'd have to cry yourself to sleep?

Kadiri.

And then my breath... Feeling ko pwedeng weapon of mass destruction ang hininga ko dahil sa naghalong alcoholic drinks sa sistema ko. Hindi rin ako nakainom ng water last night that's why I'm fucking hungover.

I am so off of my game.

Hindi tuloy ako nakasabay kahit kanino. I had to go to the university on my own. Pero medyo masaya. Ang peaceful ng drive. Walang mag-susungit sa'yo. Walang mangunglit sa'yo na kausapin ka. Walang nanggugulo.

So at the end of the ride, I concluded na magpapahatid na lang ako kay Mang Wen araw-araw para sa ikatatahimik ng buhay ko.

I mean, I could always carpool with Everly pero ayoko namang i-hassle siya everyday.

Shit. Speaking of Everly... Kailangan ko pa pala siyang i-text.


To: Everly Estrella

Hey, papasok pa lang ako ng school.

Sorry hindi ako nakasabay kanina.

I am so hungover.

And thanks for babysitting me last night!


Again, no biggie, Everly replied.

Napangiti ako sa reply niya. Parang matagal na kaming magkaibigan para sabihin niya na maliit na bagay lang 'yung pag-alaga at paghatid nila sa akin kagabi. Sana hindi ako ganun kagulo at kaingay kagabi. Nakakahiya kung narinig ako ng parents niya.

Sinuwerte yata ako sa mga kinaibigan ko rito sa Hermosa. Hindi ako nagkamali sa kanila.

Napatigil ako sa paglalakad at nawala ang ngiti sa mga labi ko nang marinig ko ang pagtsi-tsismisan ng mga estudyante sa tabi ko.

"So Maya... Nagkabalikan na daw kayo ni Apollo?"

Shit. Sabi na nga ba't imposibleng wala akong makakasalubong na sisira nang tuluyan ng araw ko.

Dumiretso ako sa aking locker para kumuha ng mga gagamitin ko for my next class. Kahit anong gawin ko na pag tune-out ang pagkukwentuhan nila ay naririnig ko pa rin ang mga annoying nilang boses.

"No, I don't think so. There's so much history between us. We're never going to get past that," pa-demure na sagot ng ex-girlfriend ni Apollo.

Sus. Sinong niloko niya? Alam naman ng lahat na naghahabol siya kay Apollo ngayon.

Narinig ko ang fake na panghihinayang sa boses ng kaibigan niya. "And mukhang may nakapalit na rin sa'yo."

"Who?" mabilis na tanong ni Maya. 

Para sa taong dini-deny ang possibility ng pagkakabalikan nila ni Apollo, masyado siyang invested at affected sa kahit anong associated kay Apollo.

His Girl FridayWhere stories live. Discover now