Chapter 33: Close to the End

26.2K 840 222
                                    

CHAPTER 33

"And I don't wanna wake up feeling so close, close to the end."

- Close to the End by Mojofly


It's so fucking awkward. 

Simula noong araw na sinampal ako ng Mommy ni Apollo, sobrang awkward na kapag magkakasama kaming apat nina Mama, Tito Eric at Apollo. Ilang araw na 'tong tension sa pagitan naming apat at hindi ko alam kung paano mawawala ito. Nakadagdag pa na nakakaapekto pa rinsa relationship namin ni Tito Eric yung pag-alis namin ni Apollo sa anniversary party nilang dalawa.

He told me before that he wanted me to organize the two more parties for him. Pero mukhang malabo na dahil 'yung supposed Christmas party namin ay ginawa na lang simpleng dinner kagabi at 'yung New Year's Eve party naman ay ipinagkatiwala na niya sa isang event planner.

Sobrang bummed ko kagabi. After magbigayan namin ng gifts, sobrang akward ng interactions talaga. Tinanong pa kami ni Mama kung anong gift namin ni Apollo para sa isa't isa. Paano na lang kung tinopak ako at niregauhan ko siya ng isang box ng condom for us?

Mabuti na lang at isang 'BEST BOSS' mug lang ang regalo ko sa kanya. Tapos si Apollo naman, nagbigay ng isang planner sakin. Para maiplano ko raw ang buhay ko sa susunod na taon. He's such an ass sometimes.

Pasalamat siya, mahal ko siya.

After namin ipakita 'yung gifts namin, I caught them sharing a look. I don't know what it means pero nakakatakot yung possibilities nun. I don't know what's going on with them pero nakakabahala na talaga.

Ngayong magkakasama kami ulit para mag breakfast, hindi pa rin nawawala ang weird na tension sa aming lahat. Masarap nga ang nakahandang pagkain sa long table, nakakawalang gana naman ang pagkailang ko sa kanila.

Sobrang tahimik.

Kaya naman napatalon ako sa gulat nang biglang magsalita si Tito Eric.

"Pinalinis mo raw ang kotse mo, Apollo. May plans ka today?"

Apollo nodded. "Yes po. We're having our annual Christmas party at Everly's."

Totoo naman. Wala na kaming balak tumakas ni Apollo, kila Everly talaga kami pupunta para sa annual Christmas party nilang magkababata. Silang apat lang pero this year, pumayag sila na isama ako dahil request ni Apollo.

Tumango si Tito Eric. "Sinong mga kasama niyo?" tanong niya bago magpatuloy sa pagkain.

"Kami-kami lang po nina Reed at Ysmael. Pati si Sahara."

Napansin kong nagtinginan muna ang mga magulang namin bago sabay na nagtanong.

"Sabay kayong aalis mamaya?"

"Kayong dalawa lang?"

See? Awkward.

Ibinaba ni Apollo ang ginagamit niyang utencils at buong hinarap ang dad niya. "Is there a problem, dad?"

Tumitig muna sa kanya si Tito Eric bago siya sinagot. "No, I was just thinking that you could bring Leila with you, too."

Wait. What? Gusto niya isama namin si Leila?

"Oo nga," sabat ni Mama. "Matagal na siyang hindi umuuwi sa kanila at hindi rin siya lumalabas ng Casa. Baka makabuti sa kanya na lumabas kasama niyo."

"What do you say, Apollo?" Tito Eric asked.

Hindi siya sinagot ni Apollo. Instead, lumingon ito sa akin at ipinaubaya ang desisyon kung isasama ba namin si Leila. "Sahara?"

His Girl FridayWhere stories live. Discover now