Chapter 8: Una

47.1K 1.9K 632
                                    

CHAPTER 8

"Maiiwasan ba ang bawat sandaling ika'y laman ng isip ko?"

- Una by Sponge Cola


Tinulak ko palayo si Apollo.

"Off-limits?!" I hissed at him. Kailan pa ako naging off-limits? At sino siya para i-declare sa madla na I'm freaking off-limits?

Bago ko pa man siya masuntok ay biglang tumunog ang university bell at lahat ng nasa paligid namin ay nagmamadali nang maglakad papunta sa classrooms nila.

Samantalagang kaming dalawa ay nakatitig lang sa isa't isa. Literal na saved by the bell si gago.

He was the first one to break away. Ayaw sigurong masira ang kanyang perfect attendance sa unang araw palang ng klase. "C'mon, I'll walk you to your first class," he said as he tried to grab my wrist.

I moved away from him and started to walk away. "Hindi na. I know where I'm going."

Hindi siya nakinig, sinundan niya ako kung saan man ako pupunta.

I stopped dead in my tracks and whirled back. "Bakit ka ba sumusunod?" I asked, scowling at him.

He shrugged. "That's not the way to your class."

Ugh. I knew where I was going. Na-tour na ako dito sa university before. Tingin niya ba talaga, ang shunga ko? "Hindi ba pwedeng mag restroom ako muna ako bago pumasok sa first class ko? Alam ko kung nasaan ang Arts Building! Nasa tabi ng Admin Building! Lubayan mo na ako, please?"

Biglang sumulpot sa tabi ko si Leila. "Umm, ako na po bahala kay Ara."

Tumango ako at tinaboy si Apollo palayo. "Yes. Si Leila na ang bahala sa akin. So, shoo!"

Napailing na lang siya bago umalis. Pinanuod namin siya ni Leila maglakad palayo.

Bumulong sa akin si Leila nang makalayo na si Apollo nang tuluyan. "Tama ba 'yung nakita ko? Tinaboy mo si Sir Apollo na parang aso?"

Napangiti ako sa tanong niya. "Aso naman talaga siya. Buntot nang buntot, akala mo walang sariling buhay."

"Worried lang siya sa'yo, Ara."

I rolled my eyes at her statement. He wasn't worried about me, he was only worried about himself. "I don't care. C'mon, samahan mo ko sa restroom."

Tahimik na sumunod sa akin si Leila sa pinakamalapit na restroom. Saktong pagpasok ko sa isang cubicle nang may dumating sa loob ng restroom para mag tsismisan.

"Nakita mo yung eksena kanina sa hallway?"

Wala bang klase 'tong mga 'to? Ang aga-aga mag-tsismisan.

"Hindi. Pero I heard it's about Apollo Arcangel."

Teka. Apollo Arcangel daw. Tama ba ang narinig ko?

"Yeah. And his stepsister, apparently."

Fuck. Damay ako. Ano na naman ba 'to?

Ang aga-aga... Kakapasok ko lang ng university na 'to, pinag-tsitsismisan na kaagad ako.

"Talaga? What happened ba?"

"I think they're boning each other. He declared na she's off-limits e."

Wow. I cannot believe this. Boning agad?!

Ganun ba ang hitsura namin kanina ni Apollo para mag-conclude sila na we're fucking each other behind our parents' backs?

His Girl FridayWhere stories live. Discover now