Chapter 32: Fruitcake

28.3K 735 79
                                    

CHAPTER 32

"There's a fruitcake for everybody. There's a fruitcake for everyone.

There are B-sides to every story."

- Fruitcake by Eraserheads


"Princess, wake up. We're here."

Napagitla ako at napadilat ng mga mata. Sinilip ko ang labas ng bintana sa aking tabi at nakita ang isang maliit pero cute na bahay. Ilang minuto pa ang nakalipas bago ko naalala na ito ang bahay na nirentahan namin gamit ang isang app kanina habang nasa byahe kami.

"I already put our bags inside. C'mon, let's go," narinig kong sabi ni Apollo bago niya sinara ang pinto sa may driver's seat. Napabuntong-hininga na lang ako at nagtanggal ng seatbelt ko. Maya-maya lang ay bumukas na rin ang pinto sa tabi ko.

Humarap ako kay Apollo at sumimangot. "I'm sleepy pa. Hindi pa ko nakakabawi ng tulog."

Natatawa siya habang umiiling. "Sus, pa-baby. Come here, I'll carry you," sabi pa niya bago ako hinila sa pagkakaupo ko. Hinayaan ko lang siyang buhatin ako palabas ng kotse niya.

"Kasalanan mo kaya 'to. Hindi mo ko pinatulog kagabi," dagdag pang reklamo ko bago isinara ang pinto ng kotse.

"You blacked out, remember? You slept plenty."

I rolled my eyes as I snuggled against his throat. Pinaalala niya na naman 'yung pag black-out ko kagabi. "Pinagod mo pa rin ako."

Naramdaman kong dumampi ang labi niya sa noo ko. "Are you sore?"

Pinakiramdaman ko ang sarili ko bago tumango. "Yeah, I think so."

"Okay, we'll rest today but tomorrow, I'll have my way with you again."

Natawa ako sa sinabi niya at hindi naiwasang mang-asar. "Masyado ka kasi."

Nakabukas na ang pinto sa nirentahan naming bahay kaya naman hindi na nahirapan si Apollo na ipasok ako sa loob. Dahan-dahan niya akong nilapag sa kama. Sinipat ko ang paligid ng magiging bahay namin sa mga susunod na araw, kasing cute ng loob nito ang nakita ko sa labas pagkagising ko kanina. Kapareho lang ng mga nakita naming photos sa app kaya hindi ako nadismaya.

Iniwan ako ni Apollo sa kama at lumapit siya sa kanyang backpack. Pinanood ko siyang maghubad ng t-shirt at pants. Pati na rin ang paghuka niya ng shorts na susuotin niya ay masugid kong pinanood.

"I was gentle with you last night because it was your first time." Napatingin ako sa kanyang mukha at nakita ang pilyo niyang pag ngisi habang patuloy siyang nagsuot ng shorts na kinuha niya.

"Nagpigil ka pa nun?" hindi makipaniwala kong tanong sa kanya.

Nakangiti pa rin, dahan-dahan siyang lumapit sa akin at sumampa sa kama hanggang sa napahiga na ako. "Trust me, Sahara. That was gentle," bulong nito bago ako biglang hinila pataas at pinahiga nang maayos sa kama. "If I didn't restrain myself last night, your knees would be sore too."

My knees? Tinignan ko siya nang masama.

"Huh? Bakit naman?"

"You'd have been on your knees all night."

Wait... what?!

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin lang sa kanya. "Whaaa...?"

Tumawa siya nang malakas bago ako hinigit ulit at niyakap. Sumiksik ako lalo sa kanyang dibdib. "C'mon, I'm tired from all the driving. I wanna take a nap before we eat dinner. Okay lang ba?"

His Girl FridayWhere stories live. Discover now