Chapter 35: Biglaan (Part 1)

23.3K 901 350
                                    

CHAPTER 35

"Hindi ako sanay sa biglaan,

Unti-unti na lang sanang nawala."

- Biglaan by 6cyclemind


It's been two days since Apollo broke up with me. Two weeks na rin niya akong hindi pinapansin at parang hangin lang na dinadaan-daanan. Kung masungit siya noong unang beses ko siyang nakilala, ngayon ay parang hindi na niya ako nakikita.

To him, it looks like I don't exist anymore.

I'm invisible.

Maraming beses kong sinubukan na lumapit sa kanya para mas maipaliwanag 'yung side ko, kung bakit tinanggihan ko ang marriage proposal at pagtatanan na gusto niyang mangyari. Gusto kong ipakita sa kanya na kaya naman namin ipaglaban ang isa't isa nang hindi kami tumatakbo at nagtatago.

I don't want them to question our love for each other, or for them to think that we're just being impulsive about this– that this love between us is just raging hormones from two young people.

No, we're not like that. What we have is real and rare... and I want them, our parents, to see that.

Gusto ko ring ipaintindi kay Apollo na hindi ibig sabihing tumanggi ako na pakasalan o makipagtanan sa kanya ay hindi ko na siya mahal. Hindi ibig sabihin ng pagtanggi ko ay ayaw kong gawin ang mga gusto niyang gawin. Kasi kung gusto lang naman, gustung-gusto ko!

Pero hindi sana sa ganitong paraan.

I believe I deserve more than that–he deserves more than that.

Kailangan namin lumaban kami nang patas.

Kailangan namin ipakita sa aming mga magulang na seryoso kami sa isa't isa at hindi kami nagpapadala lang sa bugso ng damdamin. Makikita nilang kapusukan kung magpapakalayo kami at magtatanan. Mas lalong hindi nila kami matatanggap kapag bumalik kami dito sa Hermosa.

Kailangan niya maintindihan na hindi ibig sabihin na nagduda ako ng isang beses ay susuko na ako. No, I won't give up on him and us. Does he not really know how much he means to me? How much I fucking love him?

Oo, inaamin ko naman na nagpadala ako sa takot at pagod, pero hindi ba ako pwedeng matakot saglit sa mga maaaring mangyari? Hindi ba ako pwedeng mapagod at magpahinga saglit? Bakit ang dali-dali para sa kanya isipin na kaya ko siyang bitawan na ganun-ganon na lang?

Agad akong napatayo nang mapansing dadaan si Apollo sa living area, kung saan ako nakatambay buong maghapon. Mag-isa lang siya, which is a huge relief, I can talk to him now without other people hearing me explain... or grovel.

Tumakbo ako palapit sa kanya. Alam kong malayo pa lang ay napansin na niya ako dahil tutok na tutok siya sa binabasa niyang papels habang naglalakad nang mabilis. "Apollo, mag-usap naman tayo," bulong ko sa kanya nang makalapit.

"I can't," sagot nito bago ako lagpasan.

Hindi ako nagpatinag sa kasungitan niya at hinabol pa rin siya. Hinila ko ang braso niya para mapigilan siya. "Bakit?"

Tinignan niya ang kamay ko na mahigpit na nakahawak sa kanyang braso, para bang gustung-gusto niya itong tanggalin. Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kanya.

"I'm busy."

Tuluyan na akong humarang sa harap niya, sinusubukang hulihin ang mga mata niya na ayaw tumingin pabalik sa akin. "Saglit lang 'to, please?"

His Girl FridayWhere stories live. Discover now