Chapter 25: Tulog Na

64.6K 2.2K 573
                                    

CHAPTER 25

"Tulog na mahal ko. Nandito lang akong bahala sa iyo."

- Tulog Na by Sugarfree


"Kanina ka pa tahimik, babe," bulong ko kay Apollo. Pabalik na kami nang Hermosa at may ilang oras na rin kaming nasa byahe. Ilang oras na rin niya akong hindi masyadong pinapansin. Medyo kinakabahan ako sa pagiging tahimik niya ngayon dahil parang malalim at seryoso ang iniisip niya.

Baka tungkol sa akin at sa best friends ko.

Bumuntong hininga muna siya bago magsalita. "I'm just not sure if it's a good idea that we're bringing your friends in Hermosa."

Bingo. Tama ako ng hinala.

I tried to clear any emotion on my face. "Bakit naman?" I asked carefully.

"We haven't even told our parents yet," sagot nito.

'Yun lang ba? Pwede naman silang tawagan. Sana kanina niya pa sinabi or tinawagan na niya. "Teka, tatawagan ko sila," sabi ko, aktong kukunin ang aking phone sa bulsa ng pants ko.

Napahinto ako nang ilagay niya ang kanyang kamay sa lap ko. "They're probably sleeping by now."

Sumunod ako sa sinabi niya at umupo nang maayos. He took his hand off my lap and proceeded to hold the clutch. I frowned at the feeling of losing the warmth of his hand. 

Hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa mukha niya, naghahanap ng bakas ng kahit ano. May mas malalim pa kayang dahilan bakit siya tahimik?

Shit. Galit ba siya dahil napilitan lang siya na magpalagay ng nipple piercing? Naku, huwag ako ang sisihin niya diyan dahil nakalimutan ko na 'yun. Siya ang nakaalala sa aming dalawa. Pinigilan ko pa nga siya last minute.

Pero hindi siya badtrip kanina nung natapos siyang magpalagay? Nagsimula lang siyang tumahimik nung niyaya ko sina Dash at Hiro na magbakasyon sa hacienda...

Fuck. Dapat yata nagtanong muna ako sa kanya.

"Galit ka ba na bigla ko na lang silang niyaya without asking you first?" tanong ko nang hindi na ako makatiis sa katahimikan niya.

Hindi sumagot si Apollo.

Fucking hell. 'Yun nga. Hindi maganda ang dating sa kanya nang pag-imbita ko sa mga kaibigan ko na sa Hermosa na sila mag-spend ng kanilang sembreak. Bukod sa technically, siya ang anak ng may-ari ng Hacienda Archangel, dapat natututo na rin akong magsabi sa kanya bago ako mag-desisyon.

Hindi naman sa pinagbabawalan niya ako or anything. Respeto na lang din sa kanya as my boyfriend.

Ang tricky naman nito. Ganito pala kapag may karelasyon ka na. Hindi lang sarili mong damdamin ang dapat mong isipin all the time. Shit. I need to get used to this kung ayaw kong magalit lagi sa akin si Apollo.

Ihinarap ko ang katawan ko sa kanya at hinawakan siya sa balikat. "Sorry kung na bypass na naman kita." Lumingon siya saglit sa akin bago ibinalik ang kanyang atensyon sa daan. Hindi maipinta ang mukha niya. "Sobrang excited lang talaga ako makita yung best friends ko at bitin na bitin ako na makita sila for just one night," dagdag na paliwanag ko. 

"I get it, Princess. You don't have to apologize," sabi nito bago lumingon at ngumiti sa akin. "But next time, give me a heads up first, alright?"

I leaned towards him and kissed his shoulder. I sniffed na rin for good measure. "So... anong masasabi mo sa best friends ko?" I asked as I pressed myself to him as close as I could... ang laking hadlang kasi ng seatbelt ko sa paglalambing ko sa kanya. Gusto ko sanang tanggalin kaso I know Apollo will flip his shit if I do that.

His Girl FridayWhere stories live. Discover now