Chapter 4: Blue Sky

52.6K 2K 619
                                    

CHAPTER 4

"There will always be a blue sky, a blue sky waiting tomorrow full of hope." - Blue Sky by Hale


Hindi ako sumipot sa pagkikita namin ni Apollo kinabukasan para sa 'orientation' ko bilang assistant niya.

Bakit?

Bukod sa ayaw kong makipagkita sa kanya, nagkaroon ako ng valid at legit excuse.

First day ng period ko today at inaatake ako ng dysmenorrhea. Sobrang sakit ng menstrual cramps ko kaya nakahiga lang ako sa kama all-day. Kahit man gustuhin ko lumabas ng Casa Arcangel, hindi talaga kaya.

Hindi pa ako nakakapag breakfast o kahit nakakaligo. I didn't want to move too much. The pain was just too much.

Shit, I couldn't even stand on my own.

Halos atakihin ako sa puso dahil sa gulat nang marinig ko ang malakas na pagkatok sa bedroom door ko. Kilala ko kung sino ang nasa kabilang side kaya hindi ako sumagot.

Nagpaalam kaninang umaga sa akin si Mama na aalis silang dalawa ni Tito Eric. Kung saan? Hindi ko alam, may aasikasuhin daw silang dalawa. Baka tungkol sa business ni Tito Eric or baka mag-uumpisa na sila sa preparations for their wedding.

"Open the door, Sahara," narinig ko ang mabigat na boses ni Apollo kasabay ng pagkatok niya.

"Go away!" sigaw ko habang namimilipit sa sakit.

Ohhhh. That hurts. 

Minsan talaga kasumpa-sumpa maging babae.

"We were supposed to meet earlier. Hindi ka sumipot," inis niyang sabi habang patuloy pa rin sa pagkatok.

Hindi ako umimik. Titigil din 'yan.

"I'm talking to you, Sahara! Sumagot ka!"

UGH. For the love of all that is holy... Paano ko ba sasabihin sa kanya na may period ako? Ayoko namang ipagsigawan 'yun! Ang laki-laki ng mansyon, mage-echo 'yung boses ko.

Might as well i-announce ko na rin sa social media kung ganun, diba? That is kung may mahanap akong internet connection.

Umayos ako sa pagkakadapa at yumakap sa puson ko habang tinitiis ang menstrual cramps na nararamdaman ko.

"I told you, go away!" sigaw ko ulit. 

Nakakairita! Ayaw talaga akong tantanan! He kept on knocking on the door.

"Lumabas ka diyan! You can't just leave your responsibilities!"

Good lord... I just couldn't catch a break from him.

"I mean it, Sahara! Open the damn door!"

"Tigilan mo ako! May dalaw ako ngayon!"

Tumahimik siya bago sumigaw. "Ano?!"

"Umalis ka na! May bisita ako!" I groaned, sobrang lakas nung bagong atake ng cramps. Parang pinipiga buong pagkatao ko sa sakit!

Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas. Pumasok kaagad si Apollo kasama ang isang babae, si Leila yata kung hindi ako nagkakamali, isa sa mga house helper. May hawak na baseball bat si Apollo habang hawak naman ni Leila ang pagkadami-daming spare keys.

Where did he get the baseball bat?

"Nasaan na yung bisita mo?" galit na tanong ni Apollo.

Oh, fuck. He misunderstood what I said.

His Girl FridayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon