Chapter 13: Halaga

49.8K 1.9K 577
                                    

CHAPTER 13

"Binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko."

- Halaga by Parokya Ni Edgar


Hindi kami nagpansinan ni Apollo for a week. Hindi ko alam kung sadyang effective lang ang pag-iwas ko sa kanya o iniiwasan din niya ako. Sabay kaming pumapasok sa school pero walang imikan. Nung sumunod na araw nun, pinasabay niya na rin si Leila sa amin.

I mean, I know na ang awkward. Kailangan ba talagang dalhin sa eksena namin every morning si Leila? 'Yun na nga lang 'yung time na kami lang magkasama–Ugh.

Well, whatever. Wala na akong paki.

After that, hindi na talaga ako gumawa ng way para makausap siya. I know how to get a fucking hint. Ayaw niyang makasama ako nang kaming dalawa lang? Fine. Sige, isama si Leila.

Mabuti na nga lang at walang parties nitong mga nakaraang araw. Another awkward moment na naman 'yun, if ever. Tsaka I need to recuperate, too. Malay ko bang malalang party animals ang mga tao rito sa Hermosa.

Napatalon ako sa gulat nang biglang may kumatok nang malakas sa bedroom door ko. Akala ko si Apollo ang kumakatok pero nalaman kong si Leila lang ito nang sumigaw siya pagpasok sa kwarto ko.

"Miss Ara! Kailangan natin umalis!" Hinihingal pa siya at mukhang nagpa-panic kaya hindi ko na napagsabihan sa biglang pagpasok sa kwarto ko.

Napabangon ako sa kama at lumapit sa kanya. "Anong meron? Bakit ka nagpa-panic diyan? At saan tayo pupunta on a Sunday night?" tanong ko habang pinapanuod siyang i-compose ang kanyang sarili.

"May nasagap kasi akong tsismis," sabi niya bago tumayo nang maayos. "Lalaban daw si Sir Apollo sa The Circle ngayon after 4 years niyang hindi sumali."

Nataas ang isang kilay ko. Para 'yun lang? "Big deal?"

Tumango siya. "Oo! Ang bali-balita kasi noon, ayaw ni Miss Maya na sumasali siya kaya tumigil siya nung naging sila. Tapos nung naghiwalay sila, walang nag-expect na babalik siya sa The Circle gawa ng car accident na kinasangkutan niya."

O, ano naman ngayon sa akin?

Tinalikuran ko si Leila at bumalik sa aking kama. "Edi good for him! Ibig sabihin naka get-over na siya sa kanyang trauma."

Sumunod sa akin si Leila at umupo sa may paanan ng kama. "Hindi! May isa pang tsismis!"

I rolled my eyes at her. Kanina pa pabitin! "Sabihin mo na kaya lahat?"

"Pupunta daw si Miss Maya, e. Baka pigilan niya si Sir Apollo."

Again, anong paki ko? "Ano naman sa'kin?" inis kong tanong kay Leila. Bakit niya ba ako ginugulo? Kung gustong mag-race ni Apollo sa kung saang race track, bahala siya. Wala nga siyang paki sa akin, e. Bakit ko siya papakialaman?

"Paano pag nagkabalikan sila? Paano ka?"

Napatigil ako saglit. Pinigilan kong hawakan ang dibdib ko dahil for some unknown reason, parang sumikip ito.

Paano nga kapag nagkabalikan sila?

Teka nga. Wala na dapat akong paki, diba?

Kung gusto nilang magkabalikan, edi magkabalikan sila. Gumawa sila ng mga boring na babies. At bakit ba akong pinipilit ni Leila? Hindi niya ba magets na lumalayo na nga ako? 

Sinamaan ko siya ng tingin. "Anong paano ako? Pakialam ko sa kanila?" depensa ko.

Tumayo siya at tinignan ako nang maigi. "Miss Ara, huwag na tayong maglokohan dito."

His Girl FridayWhere stories live. Discover now