Chapter 23: Just a Smile

49.3K 1.9K 262
                                    

CHAPTER 23

"You make me feel like I can get lost inside your eyes.

I feel closer to the sky when you save the day with just a smile."

- Just a Smile by Barbie Almalbis


"Kasalanan mo 'to, e!" sigaw ko kay Apollo matapos kong hampasin ang steering wheel ng truck ko. He's a terrible teacher! Mas nauuna niya akong pagalitan bago turuan nang maayos sa pagmamaneho.

Naabutan na tuloy kami ng malakas na pagbuhos ng ulan at hindi na kami makaalis. At dahil sa Hacienda Arcangel kami nagpa-practice driving, hindi sementado ang daan dito. Stuck na nga kami sa putikan, zero visibility pa.

"Why are you blaming this on me?" irita niyang tanong.

Hindi ko siya nilingon. Sa windshield lang nakatuon ang atenson ko, pinanunuod ang intense na pagbagsak ng ulan dito. "Kung hindi ka kontra nang kontra sa pagmamaneho ko kanina, edi sana nakauwi na tayo!" sagot ko sa kanya. "Mando ka nang mando!"

"Because you weren't listening to me. Mali yun ginagawa mo, babe. I was only correcting it," sagot nito. This time, nilingon ko na siya at tinignan nang masama.

"Sa iba na lang ako magpapaturo next time," inis kong sabi. And I mean it. Wala siyang pasensya magturo. Nakaka-frustrate lang.

"The hell you will," Apollo growled.

Two weeks na niya akong tinuturuan magmaneho at two weeks na rin akong hindi nakakapasok ng university dahil sa suspension ko. Bukas ay balik-university na ako... Kinakabahan ako at mukhang tensionado din si Apollo dahil dito kaya nagkakapikunan kaming dalawa ngayon sa pagtuturo niya.

Hindi naman siya ganito noong mga nakaraang araw.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Hinahamon mo ba ako?"

Ngumisi siya. Para bang walang qualified na magtuturo sa akin. "Kanino ka magpapaturo?"

Nginisian ko rin siya nang maisip ko yung kaibigan niyang fuckboy. "Kay Reed!" Kahit naman fuckboy ang fiance ni Everly, magaling siyang magmaneho. Undefeated pa sa The Circle.

Nawala ang ngisi niya at umiling siya sa akin. "Not happening, babe."

"I could ask Ysmael. Hindi pa kami nagbo-bonding nun," sabi ko habang pinipigilan ang kilig. Alam ni Apollo na idol slash crush ko yung isa niya pang kaibigan. May hinala na nga ako na hindi niya talaga kami pinagtatagpo. Knowing na patay na patay pala sa akin si Apollo, hindi malayong totoo ang hinala ko.

Tinignan niya lang ako, walang expression sa mukha niya. "Have you forgotten? You're off-limits to them?" He leaned closer to me. "You're off-limits to everyone."

Tinulak ko ang mukha niya sa sobrang inis. Tumawa lang si Apollo sa pagiging pisikal ko sa kanya. I couldn't imagine anyone doing half the things I do to him on a regular basis. Baka bago pa man makahawak sa kanya ang iba ay nasuntok na niya ito.

Kinuha niya ang kamay ko at pinanuod ko lang siya habang nanlilisik pa rin ang mga mata ko. "I'll be more patient with you," bulong nito bago hinalikan ang likuran ng kamay ko. 

Talo na naman ako.

Ang effortless niya manuyo. 

Nakakainis.

Hindi. Madali lang talaga akong masuyo pagdating sa kanya.


***

His Girl FridayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon