Chapter 22: Yakap sa Dilim

53.3K 1.7K 325
                                    

CHAPTER 22

"O, kay sarap ng mga nakaw na sandali habang tayo'y magkayakap sa dilim."

- Yakap Sa Dilim by Orange and Lemons


Nagising ako sa aking napakahibimbing na tulog nang marinig ko ang malakas na vibration sa may bandang bedside table ni Apollo. Pinilit kong dumilat at inabot ang phone kong nakalapag doon, dahil sa pag-plug ko nito sa charger kagabi.

Habang pilit na nakadilat ang isang mata dahil sa silaw sa screen, tinignan ko kung sa akin nga ba may tumatawag or may new text message.

Sa akin nga.

Una kong napansin ang 20 missed calls ni Mama at mga text messages nito. Sumunod ay 18 missed calls ni Tito Eric. Meron ding texts at tawag galing kina Everly at Leila.

Napatigil ako sa isang text message ng isang unregistered number. 


From: +639123456789

Happy birthday, Sahara!

I'm your cousin from your father's side.

I tried to send you a friend request on FB last week,

Idk if you noticed an Israel adding you. Haha.

If you wanna chat, you know where to hit me up.

Again, happy birthday, cousin! :)


Cousin? Father's side? Isang Israel?

My God. It's too fucking early for this tea and I'm sure, marami pa akong haharapin mamaya pag-uwi ko sa Casa Arcangel.

"Babe?" narinig kong tawag ni Apollo sa tabi.

Lumingon ako sa kanya at hindi napigilang mapagat sa labi. Hindi pa rin ako sanay na siya ang unang taong na nakikita tuwing umuga. Maraming beses na kaming nag sleepover dito sa cabin niya pero ngayon kasi ang unang beses na nagising kami... na kami na.

"Good morning," bati ko sa kanya.

Akala ko ay babatiin niya rin ako pero hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap. Naipit tuloy ako sa dibdib niya. Hindi naman sa nagrereklamo, pero nakakawindang... wala siyang shirt!

Inangat ko ang aking ulo at tinignan siya nang masama.

"Tulog pa tayo," bulong niya bago ako hinalikan sa noo. 

Bakit ang cute niya? Napabuntong-hininga ako. As much as I want to tease him, binabagabag pa rin ako nung text message na galing daw sa pinsan ko. "Hindi na ako makatulog. May nag-text sa akin."

Kumunot ang noo niya. "Who texted you this early?"

Inabot ko sa kanya ang phone ko without thinking. Kinuha niya ito at binasa na nakapikit din ang isang mata dahil sa pagkasilaw.

I felt his body stiffen then his face scowled. Tatanungin ko sana kung anong sinisimangot niya nang ibaling niya sa akin ang tingin niya.

"It's your birthday?" tanong niya, gulat na may halong inis ang tono.

Oh.

Shit.

'Yun pala.

"Oo," matipid kong sagot.

"Why didn't you tell me?" tanong nito, lalong lumalim ang kunot ng noo niya. Halatang napipikon na.

I shrugged. "I just don't celebrate it tsaka isa pa, akala ko alam mo. Boss kita diba?" palusot ko.

His Girl FridayWhere stories live. Discover now