Chapter 12: Torete

48.6K 1.7K 353
                                    

CHAPTER 12

"Akala ko nung una may bukas ang ganito. Mabuti pang umiwas. 

Pero salamat na rin at nagtagpo."

- Torete by Moonstar 88


From: Apollo Arcangel

Sabay tayo uwi.


Napataas ang parehang kilay ko. Iniabot ko kay Leila ang smartphone ko at ipinabasa sa kanya ang text message ni Apollo. Napakunot naman ang kanyang noo habang binabasa ito.

"Bakit niya iti-text sa akin 'yan? Lagi naman kaming magkasabay."

Nagkibit-balikat siya at ibinalik sa akin ang smartphone ko. "Who knows? Sundin mo na lang siya."

I pouted, then sighed in frustration. "Ang fishy, e. Hindi na lang ako mag-rereply."

Ngumiti siya at pinagtabuyan na ako umalis. "Sige na. Puntahan mo na siya. Kita na lang tayo mamaya sa Casa."

"Alright. See you later!" paalam ko sa kanya bago umalis dala-dala ang backpack ko.

Habang naglalakad ako papunta ng university parking lot, hindi ko maiwasang mapansin ang mga taong tumitingin sa akin. Ano bang meron? Kailan ba magwe-wear-off ang novelty ko dito sa DASU? Normal na estudyante lang din naman ako dito. Hindi lang naman ako ang may dyed hair dito, although sa akin lang yung kakaiba ang kulay. Halos lahat pa-blonde ang trip.

Dahil ba sa tattoos ko? Hindi naman sila ganun karami compared sa mga nakita kong arts majors na tulad ko. Dahil kaya sa mga tsismis na kumakalat? 'Yung weird foursome issue. 'Yung pagiging gold-digger daw namin ni Mama. 'Yung kiss sa Truth or Dare sa afterparty ng Heritage Party. Iniisip kaya nila if totoo ang mga 'yun or baka naman they already made up their minds about me.

Kebs lang. Alam ko naman kung sino ako. Wala akong pakialam sa mga sinasabi nila sa akin. Huwag lang nilang idadamay ang mga bago kong kaibigan na nakilala ko dito sa Hermosa at ang mama ko... pati na rin ang mga Arcangel.

Two weeks na akong nag-aaral dito pero wala pa ring nakikipag kaibigan sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba 'yun sa decree ni Apollo na 'off-limits' daw ako. O baka naman ayaw lang talaga nila sa akin.

Anyway, kebs nga. 

Paparating na ako nang university parking lot pero hindi ko pa rin nahahanap 'yung truck ni Apollo. Naglakad ako papunta sa usual parking spot niya at nakita na iba ang naka-park na kotse doon, isang black SUV.

Saan na ba 'yun? 

Dito ko na lang ba siya hihintayin?

Kukunin ko na sana 'yung phone nang makita ko ang reflection ko sa salamin ng kotseng naka-park sa spot ni Apollo. Fuck. Ang haggard ko. Hindi pa pala ako nakapag-retouch ng lipstick ko.

Agad kong kinuha ang red lipstick ko sa bulsa ng skirt ko. I uncapped it and used the tinted window as a mirror. I swiped it on my lower lip first bago sa upper lip ko. I was cleaning up the excess lipstick na lumagpas sa lower lip line ko nang biglang bumaba ang tinted window na ginagamit kong mirror.

Napatalon ako sa gulat nang makita ko si Apollo na nakatitig sa akin. "Pakshet ka! Ginulat mo ko!" sigaw ko sa kanya. "Kanina ka pa ba nandiyan?" I asked after recovering from the shock of seeing him.

Umiwas siya ng tingin. "Yup. Get in."

Hindi pa ako nakakasagot nang isara niya uli ang tinted window. Tumakbo ako papunta sa shotgun seat at nagsuot kaagad ng seatbelt. "So, anong meron?" tanong ko nang magsimula na siyang magmaneho.

His Girl FridayWhere stories live. Discover now