Chapter 18: Pare Ko

45.3K 2K 396
                                    

CHAPTER 18

"Masakit mang isipin, kailangang tanggapin. 

Kung kelan ka naging seryoso saka ka niya gagaguhin."

- Pare Ko by Eraserheads


"Yes! Nandito na si Leila!" sigaw bigla ni Everly at napatalon. Kanina pa kasi nito inaabangan sa bintana ng kanyang kwarto ang pagdating ni Leila. Pinanuod ko siyang tumakbo palabas habang nagre-relax sa kanyang couch. Maya-maya lang ay dumating din silang dalawa, kitang-kita sa mukha ni Everly ang pagkatuwa.

Tuwang-tuwa siya dahil hindi niya ako mapilit na magsimulang mag kuwento kanina. Sabi ko, magkukwento lang ako kapag nakarating na si Leila. Ayoko nang paulit-ulit. Lalo na't nakakahiya 'yung ikukwento ko.

First time kong mag-open up sa dalawang babae dahil ngayon lang ako nagkaroon ng girl friends. Usually, sinisiraan at inaaway ako ng mga kaklase kong babae nung high school at sa university na pinasukan ko sa Manila pagtungtong ko ng college.

Feeling ko noon hindi naman ako nagkulang dahil wala akong female friends. Tsaka kasama ko naman lagi sina Hiro at Dash. Mas malala pa nga sa mga babae 'yun kung mag-tsismisan at mag-inarte. I thought I didn't miss out on anything.

Tsaka if kaplastikan lang din naman ang ipapakita sa akin ng mga kapwa ko babae, bakit pa ako maghahanap, diba? Why bother? Para lang akong naghanap ng batong ipupukpok sa sarili kong ulo.

God, I miss Hiro and Dash.

"So ano ngang nangyari?" Everly asked as she plopped down on top of her bed. "Bakit sa backseat ka ng truck ni Apollo bumaba?"

"Sa backseat ka umupo?" gulat na tanong ni Leila. Napatingin ako sa kanya at nakitang nakakunot ang kanyang noo, nagtataka.

Nakatingin din pala sa kanya si Everly. Lalo tuloy itong nagtaka dahil sa tono ni Leila. "Anong alam mo na hindi ko alam?"

Napabuntong-hininga siya. "Si Mis–" Tumigil siya nang makita na sinamaan ko siya ng tingin. Sinabi ko nang wag tatawagin 'Miss' si Maya! "Si Maya kasi nakisabay sa kanila ni Sir Apollo. Mukhang sa unahan siya pinaupo ni Apollo at sa backseat naman si Ara."

"What the fuck?!" Everly yelled in outrage. "Ugh, that guy. He's so fucking stupid."

I know, right? Even Everly gets it.

Napatayo siya at nagpamewang. "At 'yang si Maya, anong drama niya at nakisabay siya sa inyo? At bakit siya umupo sa shotgun seat?"

I shrugged. "Beats me."

Mukhang galit na galit si Everly sa kaibigan niya dahil hindi siya mapigilan sa pagra-rant niya... at magpalakad-lakad habang ginagawa ito. "Kahit twisted 'yung relationship namin ni Reed, never niya akong pinapaupo sa backseat kapag siya ang nagmamaneho!" Huminto siya sa paglalakad at tumingin sa amin ni Leila. "Hindi ba nila alam na unspoken rule na automatic na yung significant other ang dapat nakaupo sa shotgun seat?"

Lalo akong nalungkot sa sinabi niya. Kasi technically, wala namang something sa amin ni Apollo. "Hindi niya ako significant other, Everly." I sighed, my shoulders slumping. "If anything, mas qualified umupo doon si Maya dahil sila ang mag-ex."

"Kung ganun, bakit mukha kang namatayan, Ara?" tanong ni Leila, rinig ang pag-aalala sa tono niya.

"Kasi in love na siya kay Apollo," mabilis na sagot ni Everly.

I scoffed. "Nope. I'm not."

"Pero umamin ka sa akin na crush mo siya," mabilis na pambabara naman ni Leila.

His Girl FridayWhere stories live. Discover now