Chapter 16: Sandalan

51K 1.7K 571
                                    

CHAPTER 16

"Sige lang, sandal ka lang at wag mong pipigilan.

Iiyak mo na ang lahat sa langit. Iiyak mo lang ang lahat sa akin."

- Sandalan by 6 Cycle Mind


The first thing I saw when I woke up was Apollo's broad shoulders.

If there was one thing that turns me on when it comes to men, its their broad shoulders. Unlike sa iba na ang unang tinitignan sa lalaki ay kung malinis ba ang nails nila or may perfect set of teeth sila.

Balikat. Malapad na balikat ang sa akin.

Next doon ay ang ngiti nila. Kung wala man silang perfect set of teeth, sana ay malinis ang mga ito at walang silang bad breath.

Sunod doon ang braso... What can I say? I love good arm porn.

"Alright, Mom. I understand. I'll just work at the Hacienda today," narinig kong sabi ni Apollo. Nakaupo siya sa paanan ng kama at may kausap siya sa phone niya. Hindi ko alam kung ilang minuto ko na siyang pinapanuod. 

Napansin ko ang pagkadismaya sa kaniyang boses at tono ng pananalita niya.  Mukhang may plano sila ng mom niya at hindi na 'yun matutuloy.

"Okay. I'll see you some other time... Take care, Mom... I love you, too," sunud-sunod na sagot nito.

Malalim na buntong-hininga na lang ang nagawa ni Apollo nang ibaba niya ang kanyang phone.

Bubuka pa lang sana ang bibig ko para tanungin kung okay lang siya nang lumingon siya sa akin at nagsalita. "What time are you going home?"

Hindi ko sinagot ang tanong niya. Mas gusto kong malaman kung paano niya napansin na gising na ako. "Kanina mo pa alam na gising ako?" tanong ko.

"You were breathing too loud," sagot nito. "So what time?"

What the heck? Maingay akong huminga? Paano?

"Gusto mo na ba akong umuwi?"

He shrugged, parang matamlay. "Hindi naman. Just asking," sabi nito bago tumayo.

Shit. Mukhang disappointed siya na hindi sila magkikita ng mom niya. "Hindi ka papasok sa university?" tanong ko, para maiba ang topic. 

Umiling siya at nag-stretch ng braso. "Nah. Ikaw?"

Muntik na akong mabulunan dahil sa ginagawa niya. Nakaka-distract! Nag-focus na lang ako sa kanyang mukha at itinanong ang unang pumasok sa isipan ko. Ang dad niya. "Hindi ba magagalit si Tito Eric?"

"As long as I have good grades, he's not gonna get mad."

Sige, ikaw na matalino.

"Must be nice," I grumbled. 

Nakakatamad kumilos, hindi naman pala kami nagmamadali. Pwede bang dito na muna kami? "Can we stay here a little bit longer?"

"I need to go to the office," sagot niya.

I pouted. Grabe naman. "Agad-agad? It's too early, dito muna tayo." I smiled at him and pat the space next to me on his bed. "Stay with me, please."

Nag-isip muna siya saglit bago lumapit sa kama. "Alright," sagot nito na parang isang malaking inconvenience ako sa kanya kahit na halata naman bullshit ang pag-iinarte niya. Gusto niya rin, e. 

Humiga siya sa tabi ko at tumitig sa kisame. Hindi man lang siya lumingon sa akin.

"Thank you at binihisan mo ko," sabi ko sa kanya. Wala akong maalala na sinuot ko ang t-shirt na gamit ko ngayon. So I concluded na siya ang nagbihis sa akin nang tuluyan akong makatulog kagabi.

His Girl FridayWhere stories live. Discover now